Tuesday , December 24 2024

Pinoy sailor kabilang sa 7 patay (Sa US Navy destroyer vs PH flagged ship)

KABILANG ang isang Filipino-American sa namatay na pitong sailors makaraan ang banggaan ng isang US Navy destroyer at Philippine-flagged vessel sa karagatan ng Yokosuka, Japan, nitong Sabado.

Ang biktimang si Fire Controlman 2nd Class Carlos Victor Ganzon Sibayan at anim iba pa ay binawian ng buhay nang ang sinasakyan nilang barkong  USS Fitzgerald, ay bumangga sa Philippine-flagged ACX Crystal nitong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng US Navy.

Ang 23-anyos na si Sibayan ay residente sa Chula Vista sa California, ngunit sa kanyang Facebook account, sinabi niyang siya ay mula sa Pasay City.

Bukod kay Sibayan, ang iba pang namatay na sailors ay sina Gunner’s Mate Seaman Dakota Kyle Rigsby, 19, ng Palmyra, Va.; Yeoman 3rd Class Shingo Alexander Douglass, 25, ng San Diego, Calif.; Sonar Technician 3rd Class Ngoc T Truong Huynh, 25, ng Oakville, Conn.; Gunner’s Mate 2nd Class Noe Hernandez, 26, ng Weslaco, Texas; Personnel Specialist 1st Class Xavier Alec Martin, 24, ng Halethorpe, Md.; at Fire Controlman 1st Class Gary Leo Rehm Jr., 37, ng Elyria, Ohio.

Ang lahat ng mga biktima ay crew ng USS Fitzgerald, ayon sa ulat.

Samantala, sinabi ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, walang nasaktan sa 20 Filipino crew ng ACX Crystal, sa nasabing insidente.

“They are safe. The ship itself was slightly damaged from the incident,” ayon sa DFA.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *