Samantala, si Liza ang napili ng Star Cinema para gumanap sa muling pagsasapelikula ng iconic Pinoy heroine na Darna. Karamihan sa mga nauna nang gumanap na Darna ay hindi ang mismong boses nila ang ginamit kapag isinisigaw na ang Darna, kundi isang singer. Pero sa kaso ni Liza, mas gugustuhin ba niya na ang sarili niyang boses ang gamitin kapag sisigaw na siya ng Darna?
“If they will tell me na ako talaga ‘yung sisigaw ng ‘Darna’, then I wil do it,” sagot ni Liza.
Pina-practice niya na bang sumigaw ng Darna?
“Hindi ko po siya pina-practice. Nahihiya po ako sa sarili kong i-practice siya, kasi hindi ka pa po alam kung paano ‘yung tamang way talaga.”
Handa na ba siya sa two-piece outfit ni Darna?
“Well, of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuutin ko. Bit if I were to choose anything naman actually, as long as I’m prepared for it.”
Kung okey na sa kanya ang magsuot ng two-piece sa pelikula, isa ba itong indication na nagma-mature na siya?
“Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year. So I think it’s about time na naman.”
Isa sa preparations ni Liza para sa Darna role ay nag-a-undergo siya ng dance lesson.
“For grace and timing po. And siyempre personal ko na rin ‘yun so at least I can dance good for ‘ASAP’.”
Ano ang naging reaksiyon ng ka-loveteam niyang si Enrique Gil na siya ang napiling Darna ng Star Cinema?
“Before noong may news coming out na isa po ako sa pinagpipilian para gumanap na ‘Darna;, he didn’t think that it was going to be me. Because sabi niya, baby pa ako. So, imposibleng mag-two piece ako. But then, when he found out, he was supportive naman. He said, ‘kaya mo yan’. Now, sinasamahan niya rin ako sa pagwo-work out.”
MA at PA – Rommel Placente