Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, aminadong may na-develop sa kanila ni Bela

FINALE week na ang My Dear Heart pero pilit pa ring inili-link sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla.

May chism na nakita ang dalawa na nag-date sa Tagaytay pero hindi nila ito sinagot nang tanungin ng isang katoto.

Fresh ang aura ngayon ni Zanjoe at new look. Mukhang inspirado siya ngayong panahong ito.

Tinanong ang dalawa kung mayroong na-develop sa kanila.

“Mayroon po… friendship,” pakli ng actor. ”Ngayon kasi ang estado namin ay ano pa… taguan ng feelings,” sey pa ni Zanjoe na ikinakilig ng movie press sabay tawanan.

“Ngayong patapos na kami, ’yung commitments namin sa show, kailangan talaga buo, 100 percent ibigay namin dahil itong show na ito nagbibigay talaga ng moral lessons sa mga tao. So, ‘di ba? Mahirap haluan pa ng personal na kagustuhan,” pahayag pa ni Zanjoe.

At dahil isang linggo na lang ang kanilang commitment sa teleserye, puwede na kayang harapin nina Zanjoe at Bela ang commitment nila sa isa’t isa?

“Makikipagkita ka pa ba sa akin?,” tanong  ni Zanjoe kay Bela.

Hindi na nakunan ng reaksiyon si Bela dahil nagtawanan na naman ang mga press people.

Samantala, patuloy na nagbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang ABS-CBN primetime series na My Dear Heart at inaabangan na nga nila ang magiging kapalaran ng batang bida na si Heart sa pagtatapos ng serye at kung ligtas na nga ba siya sa paghihiganti ni Dok Francis (Eric Quizon)?

Tampok din sa serye sina Coney Reyes, Robert Arevalo, Ria Atayde, Rio Locsin, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Enzo Pelojero, at Loisa Andalio.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …