Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ambush sa 3 local gov’t officials binubusisi

BUMUO ng special investigation task group Hidalgo ang Batangas police para tumutok sa kaso ng pagpatay kay Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo nitong Sabado, 10 Hunyo.

Binaril sa ulo ang alkalde habang nanonood ng liga ng basketball pasado 10:00 am.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang alkalde na tinamaan ng bala sa ulo at balikat.

Tumangging magbi-gay ng pahayag ang pamilya, ngunit sabi ng pulisya, dati nang nakatanggap ng banta sa buhay ang alkalde.

Tinutunton ang isang puting van na hinihinalang sinakyan ng gunman para makatakas makaraan ang pamamaril.

Samantala, bumuo rin ng special investigation task group ang Marikina Police para imbestigahan ang pamamaril kay da-ting Abra vice governor Rolando Somera.

Namatay si Somera makaraan siyang barilin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nitong Sabado, 10 Hunyo sa Munding Avenue, Brgy. San Roque, Marikina City.

Agad binawian ng buhay sa insidente si So-mera, na residente ng Cainta, Rizal.

Habang sugatan ang dalawa pang kasama ni Somera na ngayon ay nasa ospital at nagpapagaling.

Sa insiyal na imbestigasyon, lumalabas na i-nabangan ng suspek si Somera paglabas niya sa San Roque Cockpit Arena sa Brgy. San Roque pasado 1:00 am.

Tinamaan ng tatlong  bala ng baril si Somera, naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay. Habang tig-isang tama ng bala ang dalawa pa ni-yang kasama.

Ayon kay Supt. Lorenzo Holanday Jr., hepe ng Marikina PNP, nasa kanila na ang kopya ng CCTV footage ng nangyaring pamamaril.

Base sa kuha nito, may kasabwat ang gunman na sakay ng isang motorsiklo at kasabay niyang tumakas.

Sa ngayon, tinitingnan ng pulisya ang lahat ng posibleng motibo sa pagpaslang kay Somera.

Wala pang plano ang pamilya kung kailan iuuwi sa Abra ang bangkay ni Somera.

Sa kabilang dako, naglabas ang pulisya ng composite sketch ng gunman na pumaslang kay Flordeliza Lara, chairwoman ng Brgy. 37A, sa Caridad, Cavite.

Nagbabantay ng bakery si Lara nang pagbabarilin ang biktima ng  nagpanggap na custo-mer.

Makaraan barilin, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. May angkas din ang gunman na nagsilbing lookout sa krimen.

Inaalam ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril sa kapitana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …