Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marinero umeskapo sa Cignal (Zarks nilamon ng Racal)

NILUNOK nang buong-buo ng Racal Motors ang Zark’s Jawbreakers, 140-90 habang pinitas ng Marine-rong Pilipino Seafarers ang Cignal Hawkeyes sa umaatikabong PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umariba sa 38-20 sa unang kanto, ‘di na muling nilingon ng Racal ang Zark’s tungo sa kanilang ikalawang panalo sa Foundation Cup upang makasosyo sa Flying V at Team Batangs sa liderato na may 2-0 kartada.

Nanguna si Mark Tallo sa kanyang 26 puntos habang nag-ambag ng 23 at 17 puntos si Gwayne Capacio at Roider Cab-rera, ayon sa pagkakasunod para sa Racal.

Nawalan ng saysay ang 28 puntos ni Celiz para sa Jawbreakers na nahulog sa 0-3 marka.

Samantala, sinarhan ni JR Alabanza ang ring ng Cignal sa huling segundo upang selyohan ang 66-65 silat na panalo ng Marinero.

Binutata niya ang huling dalawang tira na panlamang sa Perkins sa ika-20 segundo at ika-7 segundong marka para sa unang panalo ng Seafarers sa komperensiya.

Pumupog si Alabanza ng kompletong laro na 6 puntos, 8 rebounds at halimaw na 7 supalpal habang nag-ambag ng 15 puntos at 6 na rebounds ang dating PBA player na si Mark Isip. Bumandera para sa kampeon noong nakaraang kom-perensiya na Hawkeyes sina Jason Perkins sa 15 puntos at 8 rebounds at Raymar Jose sa 11 puntos at 14 na boards. Nahulog sila sa 2-2 pintada sa umiinit na Foundation Cup. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …