Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Bernal, nakiliti sa pagsibasib sa kanya ni Rafael

GUSTONG gayahin ni Kris Bernal ang mukha ni Heart Evangelista kung mag-i-impostor siya ng mukha.

“Kasi idol ko siya rati pa. Gandang-ganda ako sa kanya. Fan mode ako sa kanya, faney ako sa kanya,” deklara niya.

Anong gagawin niya kung magiging si Heart na siya?

“Hindi na ako magtatrabaho, joke,” pakli niya sabay tawa.

Ibang image na ngayon ang makikita kay Kris dahil hindi na siya pa-tweetums. Nakipaglampungan nga siya sa kama ng anim na beses sa bago niyang serye kasama sina Rafael Rosell at Ryan Eigenmann.

Kumusta kaeksena sa kama si Rafael?

“Nahihiya ako sa kanya noong una. Hindi ako makatingin sa kanya  kasi ang guwapo niya, ‘di ba? Hindi sa may pagnanasa ako, ha pero ‘pag nag-eye to eye kami, ako ‘yung nahihiya,” tugon ng aktres.

Parang may eksenang sinibasib ni Rafael si Kris?

“Nakiliti lang ako,” pag-amin niya sabay tawa niya.

“May mga shot kasi na hindi mo madaya kaya kailangan mong gawin. Pero maalalay si Rafael at saka masarap,” sey ni Kris sabay halakhak.

“Good kisser si Rafael. Sobrang mabait at sobrang sweet din niya,” sambit pa niya.

Sino naman kina Rafael at Ryan ang mas magaling sa love scene?

“Si Ryan  kasi alam na niya kung paano gawin ang mga love scene kaya kahit hindi ako umarte o magbigay, parang sa acting pa lang niya, kitang-kita na intense ‘yung love scene. ’Yung character ko kasi kay Ryan mas aggressive, eh,” pakli ng aktres.

Nag-workshop naman sila bago gawin ang serye at more on physical activities kaya handa  na rin siya sa nasabing mga eksena.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …