Saturday , November 16 2024

Mayor Edwin Olivarez humingi ng pang-unawa sa motorista at pasahero (Sa sewerage project sa Parañaque)

MAY 95 subdivision at siyam na barangay sa lungsod ng Parañaque ang makikinabang kapag natapos ang sewer network project (SNP) ng Maynilad sa kahabaan ng Sucat Road, ngayong taon.

Ayon kay Mayor Olivarez, sinigurado sa kanya ng mga opisyales ng Maynilad na ang proyekto ay makatutulong upang mabawasan ang polusyon sa mga ilog na dinadaluyan ng mga dumi at kalat ng tao.

Ang siyudad ng Parañaque ay may 16 na barangay at ang pinakamalaking land area o subdivision ay BF Homes na may population na halos 100,000.

Magmula nang naging munisipalidad ang Parañaque noong 1975, ngayon lang sila magkakaroon ng malinis na inuming tubig na isa sa mga prayoridad ni Olivarez.

Humihingi ng pang-unawa ang alkalde sa mga motorista at pasahero na naiipit dulot ng matin­ding trapik sa kahabaan ng Sucat Road dahil sa isinasagawang proyekto.

Tiniyak na aabot sa 516, 000 indibidwal ang makikinabang kapag natapos ang proyekto na pinondohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ngayong Oktubre 2017.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *