Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea del Rosario, nagiging aktibong muli sa showbiz

UNTI-UNTING nagiging aktibong muli sa showbiz si Andrea del Rosario. Nag-lie low siya sa pagiging aktres noong nakaraang halalan nang kumandidatong Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Matapos manalo at ma-ging ganap na public servant, ngayon ay nahaharap na ni-yang muli ang kanyang first love, ang acting.

Ayon sa aktres/politician, masaya siyang makapagtrabaho ulit bilang aktres dahil first love raw niya ang pro-pesyong ito. “Oo naman, nami-miss ko rin kasi, ganoon talaga iyon eh, hahanapin mo rin talaga ang showbiz.

“Happy ako na nagiging active ulit sa showbiz, because at the end of the day, it’s my bread and butter, I need to work. First love ko ang acting, it’s my outlet. Iyong mga gusto kong iiyak, doon ko na lang iniiyak,” nakangi-ting esplika ni Ms. Andrea.

Aktibo mang muli sa showbiz, maliwanag sa kanya kung ano ang priority sa buhay. Kaya binabalanse niya ang oras bilang ina, aktres, at Vice Mayor.

Esplika niya, “Mahirap, ha-limbawa ngayon ay may taping, sa biyahe lang ay bugbog na ang katawan mo, e. So, ‘pag may work ako sa showbiz, I work. Siyempre, it’s local politics… they want you there. Iyong mga ganitong problems, pambili ng gatas ni ganito, inaway ni ganyan, pinalayas sa puwesto, naputulan ng ilaw… gusto nilang makapagsumbong sa iyo, e.”

Paano kung papiliin lang ng isa sa tatlong iyon ano ang pipiliin niya? “Ang motherhood ay number one sa akin, they can say all they want, but I will prior-itize my daughter and my health. Kasi if something happens to me, who will take care of her?”

Ang 6-year old niyang anak na si Beatrice Anne ay ipina-nganak na may congenital condition na tinatawag na Jejunal Atresia. Pagkapanganak pa lang ay inoperahan agad si Bea (nickname nito) para maiayos ang komplikasyon sa kanyang small intestine. Dumaan sa apat pang operasyon ang munting anghel ni Andrea at nang bumuti ang ka-lagayan nito, after one year ay nilagyan naman ng G-tube sa kanyang tiyan dahil sa pag-kakaroon ng “short gut” syndrome. Although ngayon ay okay na si Bea.

Bukod sa i-lang TV guesting ay bahagi si VM Andrea ng pelikulang Fan Girl, Fan Boy ng Viva Films na tina-tampukan nina Ella Cruz at Julian Trono.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …