Monday , December 23 2024

Madaliang pagbuo sa PCC ugat ng korupsiyon

MAAARING maging ugat ng korupsiyon ang madaliang pagbubuo sa Philippine Competition Commission (PCC).

Ito ay batay sa ginawang pag-aaral ng mga telecom analyst sa plano ng PCC na buksang muli ang natapos nang bentahan ng P70-bilyong SMC-PLDT-Smart-Globe deal para sa 700 MGHZ broadband sa bansa.

Pinagtakhan ng telecom analysts kung bakit ipinipilit ng PCC na mabuksan ang natapos na bentahan gayong dumaan na sa pag-aaral at pag-apruba ng National Telecommunication Commission (NTC) ang nasabing bentahan.

Bukod sa NTC ay may court order na nagsasabing legal ang naturang benta-han. Kinuwestiyon ng mga analyst ang intention ng PCC kung bakit gustong muling buksan ang natapos nang bentahan.

Pinagtakhan din ng mga telecom analyst kung bakit hindi kumilos ang PCC noong nakikipag-usap ang SMC at Telstra para gamitin ang 700MGHZ broadband.

“In good faith  naman ang nakikitang intention sa pagbili ng PLDT at Globe sa 700MGHZ, ito ay para sa kapakanan ng mamamayang Filipino na magbibigay ng mabilis  na internet service sa bansa, kaya bakit kailangan harangan ng PCC ang bentahan kung ang kanilang sinasabi ay para sa equal business interest ng iba pang telco,” ayon sa telecom analyst.

“Mukhang gusto yata ng PCC na agawan ng karapatan ang NTC at Department of Information and Communication Technology (DICT) sa paglakad ng telco industry?” dagdag ng telecom analyst.

Ayon sa telco analyst, wala umanong masama na bigyan ng pagkakataon ang foreign telco na mag operate sa Filipinas pero sana bigyan muna ng pagkakataon ang local telco na mag-improve ng kanilang services sa mamamayang Filipino diin nito.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *