Monday , December 23 2024

1,200 ISIS members nasa PH – Indonesia

MAYROONG 1,200 Islamic State (IS) group operatives sa Filipinas, kabilang ang mga dayuhan, at 40 sa kanila ay mula sa Indonesia, pahayag ng Indonesian defense minister sa international security forum nitong Linggo.

Sa kanyang pagsasalita sa Singapore, habang patuloy ang sagupaan ng Philippine troops at mga teroristang alyado ng ISIS sa Marawi City, tinawag ni  Defense Minister Ryamizard Ryacudu ang mga militante bilang “”killing machines” at naghikayat ng full-scale regional cooperation laban sa mga bandido.

“I was advised last night, 1,200 ISIS in the Philippines, around 40 from Indonesia,” pahayag ni Ryacudu sa Shangri-La Dialogue.

Ang banta ng heightened terrorism, kabilang ang nalalapit na pagbabalik ng daan-daan Southeast Asian fighters na lumaban kasama ng IS sa Syria and Iraq, ang naging paksa sa tatlong araw na Singapore summit na dinaluhan ni US US Defense Secretary Jim Mattis.

Samantala, sinabi ni Philippine Defense Undersecretary Ricardo David, nagsalita rin sa nasabing forum, ang 1,200 bilang ng IS fighters sa Filipinas na binanggit ng Indonesia, ay bago lamang sa kanya. “I really don’t know, my figure is about 250-400, a lot less,” pahayag niya sa mga reporter.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *