Monday , December 23 2024

Puganteng Korean-American arestado ng NBI

IPRENISENTA ng NBI ang Korean American na si Jun No, isa sa most wanted fugitives sa bansa na mangiyak-ngiyak habang nagkukuwento sa media matapos itong maaresto sa Zamboanga city sa kasong pagtutulak ng party drug ecstasy na tumakas habang nagpapagamot sa hospital. (BONG SON)
IPRENISENTA ng NBI ang Korean American na si Jun No, isa sa most wanted fugitives sa bansa na mangiyak-ngiyak habang nagkukuwento sa media matapos itong maaresto sa Zamboanga city sa kasong pagtutulak ng party drug ecstasy na tumakas habang nagpapagamot sa hospital. (BONG SON)

KAUGNAY sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan, inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, naaresto ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), sa pakikipagtulungan ng NBI-Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang isa sa most wanted fugitives sa bansa, kamakalawa sa Zamboanga City.

Kinilala ni NBI Director Dante A. Gierran ang suspek na si Jun No, isang Korean-American businessman, tinutugis sa drug trafficking bunsod ng pagtutulak ng party drug ecstasy nang tumakas mula sa ospital matapos sumailalim sa appendectomy noong 15 Abril  2017.

Ang suspek ay mayroong pending case ng illegal possession ng dangerous drugs at may warrant of arrest para sa drug trafficking.

Sa bisa ng Immigration look out bulletin order na inisyu ng Department of Justice (DOJ) laban kay Jun No alyas Jazz, at sa mahigpit na utos ni NBI Director Gierran, pinakilos ng NBI-TFAID, sa pamumuno ni Atty. Ross Jonathan V. Galicia, ang kanilang mga operatiba upang matunton ang suspek.

Sa imbestigasyon, mula 18-22 Abril 2017, nagpalipat-lipat ang suspek ng condo units at motel sa Manila, Parañaque at Makati City upang maiwasan ang mga awtoridad, at pagkaraan ay nagtungo sa Cebu via Philippines Airlines.

Pagkaraan ay nanatili ang suspek sa Cebu City mula 29 Abril hanggang 26 Mayo 2017, at nagpapalipat-lipat ng hotel upang hindi matagpuan ng mga awtortidad. Habang naroroon sa erya, kasama niya ang kanyang drug junkies at escort girls.

Ilang beses niyang natakasan ang tumutugis sa kanyang mga operatiba ng NBI-TFAID. Ngunit ang ilan sa kanyang mga personal na kagamitan ay narekober sa kanyang hotel sa Cebu City, indikasyon na nais niyang umalis ng bansa sa pamamagitan ng back door patungong Malaysia.

Nang makatunog na malapit na siyang matunton ng mga awtoridad, ang suspek ay umalis sa Cebu City at pumasok sa Zamboanga City gamit ang pekeng identification card at passport na may pangalang Choi Minsoo.

Noong 31 Mayo 2017, nagtungo ang TFAID operatives sa Zamboanga City para hanapin ang suspek. Sa kasunod na araw, nadakip ng TFAID operatives ang suspek sa computer shop sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City habang itini-check ang pera mula sa kanyang pamilya. Hindi pumalag si Jun No nang arestohin ng mga awtoridad.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Article 172 in relation to Article 171 ng Revised Penal Code, gayondin ng paglabag sa Anti-Alias Law at R.A. 8239 (Passport Law).

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *