KASAMA si Derrick Monasterio sa sequel ng Mulawin, ang Mulawin vs Ravena na gumaganap siya rito bilang si Almiro na anak nina Alwina at Aguiluz.
Ayon kay Derrick, pinaghandaan niya ang kanyang role sa fantaserye. Nagbawas siya ng timbang para maging madali ang kaniyang paglipad gamit ang harness. Pero hindi naman siya nahihirapan sa paglipad, mas nahirapan siya sa arnis training para sa fight scenes.
“Harness hindi masyado, mas mahirap ‘yung arnis para sa akin. Kasi it involves fighting eh, ano pa naman ako, I’ve never fought anyone in my life like fist fight, wala,” sabi ni Derrick.
Sobrang thankful si Derrick sa GMA 7 dahil kinuha siya sa naturang fantaserye. Noong bata pa lang kasi siya ay pinanonood niya ito, hindi niya akalain na sa muling pagbabalik sa telebisyon ay magiging bahagi siya.
“I’m happy sobra, kasi pinanonood ko siya noong bata ako. I even sang their theme song in my voice competition sa school. So, talagang it’s a big part of my life and I’m really blessed lang talaga.”
Kung sa natapos na serye ni Derrick na Tsuperhero ay marami siyang stunts, mas marami siyang gagawing stunts rito sa fantaseryeng ito.
“Sabi ng director namin hindi siya magpapa-double, so kailangan namin mag-aral talaga!”
MA AT PA – Rommel Placente