Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Utak-wangwang sandamakmak na naman sa kalye!

GANYAN daw talaga kapag mababaw, maingay.

Ang tinutukoy natin ay mga politiko, personalidad, celebrity na mahilig mag-wangwang.

Bagamat sa simula ng pag-upo ni Noynoy ay sinaway ang paggamit nito at ginamit pa sa kanyang inaugural speech, hindi naman namantina sa buong termino niya na ipagbawal ito.

Pagkatapos ng tatlong taon, sandamakmak na naman ang nakita nating gumagamit nito at panay ang wangwang sa kalye.

Pero ang higit na nakadedesmaya, ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay lalo itong naging talamak.

052017 police siren wangwang

FYI lang po, hindi po trabaho ng Office of the Presidente para masawata ang matitigas ang ulong lulong sa wangwang. Trabaho ng mga lespu ‘yan.

Ang siste, ang nakikita nating talamak sa paggamit ng wangwang ay mga lespu mismo at ang mga amo nilang politiko.

Isa na riyan, ang isang mayor sa Metro Manila na nakawangwang na ang mga escort, nanghahawi pa!

Feeling presidente, ‘e si Digong nga hindi nagwangwang — siya na isang mayor lang e grabe ang wangwang parang buang!

‘Yung iba naman, mga congressman na may mga escort na pulis. May plakang 8 na, ang ingay pa ng wangwang.

Ang matindi, mga casino player na karamihan ay dayuhan pa, may escort na lespu at nakawangwang din.

Wattafak!?

E ‘di ba, isa ‘yan sa negatibong puna ni Pangulong Digong kay dating DILG Secretary Mike Sueno, ‘yung umiikot lang sa Metro Manila ‘e nakawangwang pa?!

PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, puwede bang paki-check ninyo ang mga lespu ninyo lalo na ‘yung mga escort service na lulong na lulong sa wangwang?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *