Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Baby Go, proud sa pelikulang Area at Laut

NAGPAPASALAMAT ang lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go sa lahat ng mga naging bahagi ng pelikula ng movie company niya. Lately ay sunod-sunod na naman kasi ang winning streak ng BG Productions sa mga nakokopo nitong papuri at parangal para sa bansa sa mga international award-giving bodies at pati na rin sa local.

Bukod sa 15th Gawad Tanglaw at 19th Pasado awards na humakot ng tropeo ang mga pelikula ng BG Productions, nakakuha rin sila ng parangal sa katatapos na 2017 Asean International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Kuching, Malaysia. Sa 18 nominations na natanggap ng bansa, kabilang sa napanalunan ng BG Productions ang Best Director-Louie Ignacio para sa Area, Best Actress-Ai Ai delas Alas para pa rin sa naturang pelikula, at Best Supporting Actress-Ana Capri para naman sa Laut.

Ipinahayag ni Ms. Baby na proud siya sa mga nagtatrabaho para sa kanyang movie company. Sinabi rin niyang ang mga pelikula nila ay de-kalidad at may hatid na aral.

“Masaya ako, kaya kami nanalo, unang-una ay magagaling ang mga director, pati mga artista namin, multi-awarded tulad nina Ai Ai delas Alas at Ana Capri. Ang mga artista at director namin ay magagaling, makabuluhan ang mga movie namin at hindi kami gumagawa ng basta-basta lamang, lahat ay may-aral. Sobrang saya ko na kahit bago pa lang kami sa movie industry ay nakakakuha kami ng mga award pati sa International, kaya masayang-masaya ako,” saad ni Ms. Baby.

Dagdag pa niya, “Makikita naman talaga ang galing ni Ms. Ai Ai sa Area, wala siyang arte rito na kahit ano’ng ipagawa sa kanya ni Direk Louie ay ginawa niya. Kasi alam niya na ikagaganda ng movie iyan, e.

“Si Ana rin, isa pang magaling na artista. Sa Laut, talagang todo rin siya, ibinigay niya ang lahat para magampanan nang mabuti ang role niya.”

Sa patuloy na paghakot ng awards ng kanyang mga pelikula, sinabi ni Ms. Baby na patuloy siyang gagawa ng mga makabuluhang pelikula.

Incidentally, hindi dapat palagpasin ang Area na bukod sa award-winning film ay isang makabuluhang pelikula ukol sa buhay ng mga prostitutes sa Angeles, Pampanga. Mapapanood ang Area na tinatampukan din nina Allen Dizon, Sue Prado, Sancho delas Alas, at iba pa, sa FDCP Cine Lokal sa walong sinehan ng SM sa May 19-25. Kabilang dito ang SM MOA, SM Bacooor, SM Cebu, SM Iloilo, Megamall, Southmall, Fairview, at SM North EDSA.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …