Friday , November 22 2024

Digmaan vs STL nag-umpisa na ba?

UMIINIT na ang usapin sa Small Town Lottery (STL).

Matapang na inakusahan ng kilalang operator ng Meridian Vista Gaming Corp., sa ilalim ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na si Charlie”Atong” Ang si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na plano siyang ipatumba.

Kasapakat umano ni Esperon sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jorge Corpuz para ipatumba siya.

Dito na bumuwelta ang top spook na si Esperon sa pagsasabing praning ang STL operator dahil nagpapatakbo rin siya ng illegal gambling na jueteng.

Tsk tsk tsk…

Heto na naman, naaalala na naman natin ang banggaan noon nina Manong Chavit Singson at Atong Ang noong panahon ni ex-president at convicted plunderer Erap ‘Buang’ Estrada.

Hindi ba’t muntik na rin daw ‘magkatumbahan’ noong mga panahon iyon?

O pakiramdam lang iyon nina sabit este Chavit at Atong sa isa’t isa?!

Pero ang isa sa kinabibiliban natin ngayon ang magigiting na generals ng PCSO na sina Gen. Alex Balutan at Gen. Corpuz, mukhang ipagtatanggol nila nang husto ang interes ng PCSO laban sa ilang mga ‘tiwali’ na nagagamit ang STL.

Tahasan din sinabi ni Esperon na si Atong Ang ay gambling lord na nag-o-operate umano ng jueteng at off fronton.

Ayon kay Esperon, ang lisensiya ng Meridian Vista Gaming Corp., ay para mag-operate ng jai-alai ay sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ngunit nakapagtataka umano na laganap ang off front betting station at jueteng sa iba’t ibang parte ng bansa na labas sa CEZA.

“Per Section 5 of RA 954, it is illegal to operate off fronton booths if these are not “within the premises of the place, enclosure or fronton where the basque pelota game is held” and his booths found their way outside of CEZA,” ani Esperon.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit malaki ang nawawala sa PCSO at buwis na dapat sana ay pumapasok sa gobyerno.

Ayon kay Esperon, nag-iingay si Ang, sanhi ng takot niyang mamatay ang kanyang illegal gambling business dahil sa ipinatutupad na wastong proseso ng PCSO sa pagkakaloob ng prangkisa sa New Small Town Lottery (NSTL) na kakompetensiya niya.

“I vouch for the integrity and competence of Chaiman Jorge Corpuz and GM Alex Balutan, both retired generals. In contrast, Mr. Ang hardly pays  taxes and fees. And he is into so much illegal activities,” tahasang pahayag ‘yan ng top spook.

Kung hindi tayo nagkakamali, naunang lumapit si Atong at nagpasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sagipin siya kina Aguirre, Esperon, at ilang miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1982 dahil tinatarget umano siya.

Pero itinanggi ni Esperon ang paratang na pinagbabantaan niya ang buhay ni Ang.

“Let me categorically deny that I have ever threatened him. He should show evidence or witnesses that I want to see him dead. It is very likely that he is concocting talltales again,” diin ni Esperon.)

Inihayag ni Esperon na may operasyon din si Ang sa Cagayan, Nueva Ecija at Pangasinan, maging sa Bicol at Mindanao na mayroong operasyon ng masiao.

“Pangasinan happens to be the biggest jueteng province in terms of gross daily revenue, estimated at P20 million per day. But of course the government gets nothing from jueteng,” ayon kay Esperon.

Sa bagong patakaran ng STL, ang mga prangkisa ay dapat mayroong “monthly guaranteed revenue” sa PCSO  na tinatawag na Presumptive Monthly Retail Receipts (PMMR).

Kinakailangan din magdeposito ng 25 porsiyento ng PMRR, maabot man o hindi ang target.

“In the case of Pangasinan , the winning bid of PMRR was P225 million. The winner has therefore to deposit a non-refundable franchise fee of P56.25 million to be authorized to start operations, plus the P225 million PMRR which is the highest in the Philippines. So perhaps the threats he is claiming, imagined or real, were from lawmen who simply wanted to enforce our laws, or from rival gambling lords,” ani Esperon.

“Is it any wonder then that Ang is making noise? Hindi siya ang mamamatay. Mamamatay ang illegal gambling niya,” ani Esperon.

Aray!

Nagsimula na nga ba ang digmaan sa STL?!

Abangan natin ang mga susunod na pangyayari!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *