PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangambang mag-escalate o maulit sa ASEAN Summit sa Metro Manila ang insidente sa Bohol na nakapasok ang mga Abu Sayyaf.
Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, walang nakikitang seryosong banta ang AFP sa ASEAN activities, ngunit nananatiling batay sa “worst-case scenario” ang kanilang pagpaplano at paghahanda.
Ayon kay Padilla, may binuong Joint Task Force–National Capital Region ang AFP, na nakakalat na sa buong Metro Manila lalo sa mga pagdarausan ng ASEAN events. Aniya, ang task force ay kompleto ng mga kinakailangang equipment sa pagresponde sa ano mang contingency o scenario.