WALANG dapat ipangamba ang publiko sa seguridad kasunod nang pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers, sinasabing mga miyembro ng teroristang grupong ISIS.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, ginagawa ng militar at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang ano mang terroristic activities sa bansa.
Sinabi ni Padilla, ang pagkakaaresto sa dalawang banyaga ay patunay sa kahandaan ng militar na tumugon sa ano mang banta.
Giit niya, para sa militar ay hindi ang banta ang kritikal bagkus ang kritikal dito ay abilidad ng militar na makapagresponde sa banta.
Tiniyak ng AFP, kaya nilang protektahan ang publiko laban sa ano mang mga banta.
Habang tumanggi ang militar na magbigay ng detalye kaugnay sa pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers.
“Based on our assessment we are leaning forward and we are proactively engaged with all these threats, once they become active, we can confidently say that we can protect you, our people, against these threats,” pahayag ni Padilla.