HINIMOK ng Gabriela party-list si House Speaker Pantaleon Alvarez, na isama ang divorce sa priority measures ng Duterte administration.
Panawagan ito ng Gabriela sa gitna nang pagkokonsidera nila ng paghahain ng ethics complaint laban kay Speaker Alvarez, dahil sa kanyang extramarital affair.
Iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kailangan maisama sa priority bills ng Kamara ang divorce dahil “isa ito sa legal options na puwede talagang maga-gamit” ng karamihan sa bansa.
Dagdag ng kongresista, hangad niyang tulu-ngan ang mga pamilya na niniwala sa “sanctity” ng kasal, gayondin ang pagnanais na mapalaya ang mga kababaihan at kalalakihan na hindi na okay ang estado ng kani-kanilang kasal.
Sa ilalim ng 17th Congress, kasama ni Brosas sa paghahain ng natu-rang panukala ang kapwa niya kinatawan mula Gabriela, na si Emmi de Jesus.