Friday , November 22 2024

Huwag ninyong bulokin ang Kalibo Int’l Airport! (Attention: CAAP)

WALA bang balak ang pamunuan ng Civil and Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na i-overhaul ang “aesthetics” ng Kalibo International Airport?

Minsan akong napadaan diyan ay talagang sobrang nakahihiya ang appearance ng nasabing airport kung ikokompara sa hitsura ng ibang international airports sa bansa!

Bukod sa nakaririmarim na kaanyuan, talagang nakahihiya na ang hitsura ng airport na ito considering na libo-libo ang dumaraang pasahero at turista rito araw-araw!

Sonabagan!

Pagpasok mo pa lang sa arrival and departure ng international, tatambad agad ang mga bulok na airline counters at nanggigitatang salamin ng buong airport!

Pakengshet!

Hindi lang ‘yan!

Pati immigration counters ay halos bagsak na ang kinalalagyan ng keyboards ng computers maging ang kabuuan ng counters ay kupas na ang pintura bukod pa sa halos inaanay na!

Sus ginoo!

Ano na lang ang sasabihin ng mga dumaraang turista riyan?

Ito ba ang sinasabing “beauty” of the Philippines?!

Por dios y por santo!

Pati tiles ng buong international airports ay pawang nakaangat na dahil sa kalumaan at hindi lang miminsan na may mga turistang napasubasob sa pagkakadapa dala ng mga bukol-bukol na flooring nito.

Buti na lang daw at hindi naiisipan ng mga naaaksidente na magdemanda sa nangyari sa kanila?!

And the most humiliating experience na mararanasan sa airport na ito ay ‘yung air-condition units na hindi naman lamig ang inilalabas kundi tagos sa balat na init ng singaw nito!

Wattahek!

Buti na lang at hindi apoy ang binubuga ng mga aircon na ‘yan!

Ang tanong, wala bang nakalaang pondo ang CAAP para sa pagpapaayos ng airport?

Bilyon ang budget ng CAAP na kinukupit ‘este ginagamit sa renovation ng mga airport natin ‘di ba?

Aware kaya si Kalibo CAAP area manager EFREN NAGRAMA sa mga problemang ito ng area of responsibilities (AOR) niya?

Hindi ba niya nakikita ito? Bulag ba siya!?

Balita kasi na mas “at home” sa Iloilo International Airport si GM Nagrama dahil na rin sa pagiging bago nito?!

Alam din natin na mas ‘di hamak na maraming gimikan sa Iloilo kompara riyan sa Kalibo!

Ito kayang si CAAP director general Capt. JIM ‘papogi’ SYDIONGCO, ay pareho rin ni GM Nagarama na may diperensiya sa mata?

Mag-iisang taon na kayong nakaupo riyan mga bossing, sayang naman ang pagkaka-appoint ni President Duterte sa inyo kung pakaang-kaang lang kayo ‘di ba?

Sana naman ay maisipan ng pamahalaan na i-overhaul ang kabuuan ng Kalibo International Airport bago pa tayo mapulaan ng mga dayuhan galing sa ibang bansa.

Isama na rin nila ang kasalukuyang CAAP manager doon!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *