Friday , November 22 2024

Sino ang dapat dumamay sa Kadamay?

UMAASA tayo na ang krisis sa pabahay na kinasasangkutan ng National Housing Authority (NHA) at ng urban poor organization na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ay hindi mauuwi sa paglalamay.

Ito po ‘yung ginawang pag-okupa ng mga miyembro ng KADAMAY sa pabahay na proyekto ng NHA.

Socialized housing project daw po ito na ang benepisaryo ay government employees gaya ng mga pulis, sundalo at guro.

Pero nakapagtataka na matagal na pala itong nakatayo pero wala pa ring naninirahan.

Nang okupahin ng mga taga-KADAMAY ‘e saka lang nagsalita ang NHA na mayroon na raw nagmamay-aring mga pulis at teachers.

Kinokompleto lang daw ang requirements at ia-award na sa kanila.

Sa totoo lang, malaking bagay na napasok ng mga taga-KADAMAY ang nasabing housing project, Kasi nabisto na hindi tinapos ng contractor ang nasabing proyekto.

Walang inodoro, lababo at gripo ang nasabing pabahay. Ang katuwiran ng NHA, kapag may ookupa na raw ay saka nila lalagyan ng indoor, gripo at lababo.

Wattafak!

Ano klaseng proyekto ‘yan?!

Sa totoo lang, nang makita natin ‘yung hilatsa ng pabahay sa TV ‘e talagang sumakit ang dibdib ko.

Ganyan ba talaga ang itsura ng socialized housing sa bansa natin?

Ganyan po ang itsura ng mga kulungan sa ibang bansa lalo sa Amerika at sa Europa. Puwede po sa kanila ang ganyang design kasi malamig ang klima sa kanilang bansa.

Hindi po katulad dito sa ating bansa na napakainit kaya ‘yung pabahay na ‘yan talagang ang magtitiyagang tumira riyan ay ‘yung mga walang pang-upa ng bahay.

Hindi natin minamaliit ang mga kababayan natin na miyembro ng KADAMAY, pero nauunawaan po natin ang kalagayan nila. ‘Yung mga miyembro ng KADAMAY, naghahananap sila ng matitirahan. Kaya nga kahit ganyan ang itsura ng pabahay na ‘yan, gusto nilang magkaroon ng bahay na matitirhan ng pamilya nila.

Naririyan na sila at nakahanda naman silang paunlarin at pangalagaan ang unit na maipagkakaloob sa kanila, bakit hindi pa i-award ng NHA?

‘Yan raw naman ang ipinangako ni Tatay Digong sa kanilang mga maralita.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang KADAMAY ay naka-umbrella sa ANAKPAWIS, isang organisasyon na kaalyado at kahanay nina Secretary Liza Maza, Secretary Paeng Mariano at Secretary Judy Taguiwalo.

Pakiusap lang sa mga nabanggit na kalihim sa itaas, huwag na sana nilang hintayin na magkaroon pa ng ‘lamayan’ dahil sa paggigiit ng KADAMAY na ipagkaloob sa kanila ang nasabing housing project.

Palagay natin e dapat nang mamagitan lalo nina Secretary Liza Maza at Secretary Judy Taguiwalo.

Tinatawagan na rin natin ang pansin ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., bilang itinalagang Housing Czar ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Paano ba ninyo lalapatan ng Solomonic decision ang krisis na unti-unti nang lumilitaw sa nagaganap na pag-okupa ng KADAMAY sa mga pabahay ng pamahalaan sa City of San Jose del Monte at sa Pandi, Bulacan?

Sa susunod, busisiin po natin kung sinong contractor at mga opisyal ng pamahalaan ang nagkamal sa P50-bilyon (kada taon) housing project ng dating administrasyon?!

Abangan!

REACTION SA STA.
ROSA BUSHFIRE

SIR, just want to react re: Sta. Rosa bushfire. We r very disappointed sa aming Mayor Dan Fernandez. 1st project pinturahan lang mga poste ng color n’ya na yellow, green, red. Nagmukha tuloy clown ang mga poste dto. Malayo siya sa galing ni Mayora Arlene Arcillas. Hndi naman mananalo ‘yan kung hindi dahil kay Arlene.

+639168131 – – – –

BAKIT RETRAINING LANG?

KA JERRY, ‘yun si Major Bubog Madrona ‘di dapat retraining lang. Ipadala na agad ‘yan sa Basilan. Doon kailangan tapang n’ya!

+63908682 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *