Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May misdeal ba sa e-Passport contract?

NOONG 1980s ang mdalas batikusin na ginagawang negosyo ay sistema ng edukasyon at kalusugan sa bansa. ‘Yan kasi ang dalawang bagay na hindi dapat balewalain ng bawat indibiduwal at ng pamahalaan.

Kaya nga kabilang ang Department of Education at Department of Health sa mga corrupt-ridden agency sa bansa. Marami kasing pangangailangansa dalawang ahensiya na pinasok ng mga pribadong kontratista.

Ngayon, isang nahihinog na isyu sa e-Passport contract dahil rin sa sistema na pagpapasok ng mga pribadong contractor sa mga government owned and controlled corporation (GOCC).

Gaya ng Asian Productivity Organization -Production Unit Inc. (APO-PU).

Ang APO-PU ay naging GOCC alinsunod sa Section 3, paragraph (n) ng Republic Act No. 10149 na nilagdaan noon ng naunungkulang Pangulong Benigno S. Aquino III, 6 Hunyo, 2011.

Sa kasalukuyan, ang APO-PU ang nakatalaga sa pag-iimprenta ng electronic passport o e-passport.

Ibinigay sa APO-Production Unit Inc (APO-PU) ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ekslusibong karapatan na gumawa ng Philippine passports.

Pero mukhang lumalabas na ang APO-PU ay walang kapasidad o kakayahan na gampanan ang nasabing tungkulin.

Bakit ‘kan’yo?

Ganito ang kanilang proseso, ipinagagawa ng APO-PU, na isang government owned and controlled corporation, ang produksiyon ng passport sa isang pribadong kompanya, ang United Graphic Expression Corp. (UGEC), na pag-aari umano ng isang banyaga.

082616 immigration passport plane

Sa pamamagitan ng joint venture agreement, sa 90-10 sharing sa UGEC, sinelyohan ang deal o kontrata.

Bakit?

Kasi kabilang sa equity ng APO-PU ang non-cash assets. Ibig sabihin, ang lupa at estruktura kung saan itatayo ang printing machines ay nagkakahalaga ng 10 percent.

Uy, amoy-sweetheart deal, ba ‘yan?

Mukhang mayroong titiba nang malakihan sa deal na ‘yan.

Mayroon na ba?

Kung hindi tayo nagkakamali, dating trabaho ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang passporting printing. Sila rin ang gumagawa o naglilimbag ng ating peso bills.

‘E paano nga bang napasok sa APO-PU ang passport printing?

‘Yan daw ay dahil sa pakikialam ng isang henyo na dating nasa Malakanyang. Siya ang naging susi kung bakit naipasok ang billion passport project sa APO-PU noong 2015 dahil aniya’y marami nang raket ang BSP.

Busy daw kasi ang NPO, isa pang GOCC, sa pag-iimprenta ng printing materials kasama na ang mga poster ng mga kandidato ng pro-administration.

Naniniwala ang mga taong nakaiintindi na sa tatlong GOCC, ang BSP ang angkop sa passport job. Ang BSP ang may state-of-the-art facility at sapat na seguridad na makatitiyak sa integridad ng passports. Walang joint ventures at lalong walang sub-contracting.

‘E bakit tinanggal sa BSP?

By the way, magkano ba ang passport?

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa industriya, sa conservative figures, ang single blank booklet ay nagkakahalaga ng P200. Ang microchip na kailangan sa security features — dahuil e-passport nga — ay nasa P100 lang. Parehong halaga ang para sa tinta at sinulid na ginagamit sa binding ng passport. Kaya ang P400 ay presyong makatarungan na.

Nakatatanggap ang DFA ng tinatayang 17,000 passport applications sa isang araw. Sa tulong ng online solutions, ang applications ay 24/7, kaya nakapagpo-process ang DFA ng tinatayang 5.1 milyon kada taon.

Sng halaga ng Philippine passport ngayon ay hindi bumababa sa P950 bawat isa. Ang DFA, APO at UGEC ay kumikita ng P500 sa bawat passport na naire-release.

Kung im-multiply ito sa output na 5.1 milyon kada taon, wow! Tumataginting na P2.55 bilyon ang kita ng mga henyo.

At dahil 10 taon ang kontrata, ang APO-PU at UGEC ay nagkakamal ng P25.5 bilyon sa ilalim ng 10-90 scheme.

Hindi lang tibang-tiba — tibang-tibang-tiba ang mga henyong nag-isip nito.

Pero sabi nga, hindi laging mainam ang lagay ng panahon lalo kung nagtatanim ng unos at bagyo…

Sa kasalukuyan ay masusing binubusisi ng Commission on Audit (COA) ang libro ng APO-PU.

Nadiskubre umano ng COA ang kuwestiyonableng disbursement o paglalabas ng pera kasama ang fat commissions at consultancy fees na ibinayad sa mga multo o walang mukhang personalidad sa maraming mga taon.

Natuklasan din ng Commission ang kahina-hinalang procurements at mga kontrata na pinasok ng APO-PU nang walang kaukulang bidding process na itinatadhana ng batas.

Naghain na ng plunder at graft charges ang organized group laban kay dating Presidential Spokesman Herminio Coloma na nagsilbing Supervisor sa APO-PU o bilang Presidential Communications Operation Office (PCOO) chief sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang tanong: ano na ang status ng nasabing reklamo?!

At hanggang kailan mamumunini ang mga nakikinabang sa kontrata ng APO-PU at UGEC?!

Paging Senator Alan Peter Cayetano, bilyon-bilyong korupsiyon po ito sa e-passport!

IMMIGRATION EMPLOYEES
NAGPASALAMAT KAY SOJ
VITALIANO AGUIRRE

091216-immigration

MARAMING Immigration employees ang nagpapasalamat at natuwa sa todo-suportang ipinapakita ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa pagbabalik ng overtime pay para sa Bureau of Immigration.

Sa kanyang liham (position paper) na ipinaabot sa Malacañang, ini-request ni Sec. Aguirre na pansamantalang pigilin (moratorium) ang veto ng Pangulo para sa provision na naglalayong ilagak ang Express Lane Fund (ELF) ng Bureau of Immigration (BI) sa National Treasury hangga’t hindi pa naisasaayos ang salary increase or standardization para sa mga empleyado.

Nakatataba nga naman ng puso ang ganitong “gesture” ng Secretary of Justice.

Sa kabila ng mga batikos na inaabot niya sa kampo ng mga ‘dilawan’ pati na sa stress na inaabot niya sa Senado tungkol sa nakaraang immigration bribery/extortion scandal, patuloy pa rin ang kanyang suporta na huwag mawala ang ipinaglalabang overtime pay ng kagawaran.

Malaking kabaligtaran ito sa nangyari noong administrasyon ni former SOJ Leila De Saba ‘este De Lima na nagawa agad alisin ang pagbabayad ng airline and shipping fees noong panahon nila!

Kung hindi dahil sa isang ‘Memorandum’ ni Mar Roxas at Cesar Purisima at pati na rin sa pagpanig ni Senador Franklin Drilon, hindi gaanong apektado ang Bureau kahit pa nawala ang Express Lane Fund.

Sa kita mula sa airline and shipping fees, sapat na sana para ma-subsidize ang kita para sa ELF.

Ganoon din ang pagbabawas ni expelled ‘este ex-commissioner pabebe boy Mison sa mga ibinabayad na Administrative Fine ng bawat airline.

Matatandaang magmula sa P50,000 administrative fine, naging P500 na lamang ang ibinibigay ng mga airline and shipping companies kapag may na-exclude silang pasahero?!

Bagay na nagpababa sa dating malaking kita ng Bureau.

Sonabagan!

Sana naman ay magkaroon ng linaw at magandang resulta ang ginawang liham ni Secretary Aguirre kay Pangulong Duterte at hindi siya magsawa hangga’t hindi naibabalik ang nawalang overtime pay ng BI employees.

Secretary Vitaliano Aguirre, mabuhay po kayo!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *