Sunday , December 22 2024

Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba

WALANG masama na makipagkaibigan tayo sa Tsina pero dapat tayong maging maingat sa pakikipag-ugnay sa kanya at sa alin mang bansa sapagkat wala tayong karanasan bilang bansa sa kalakaran ng “geopolitics.”

Ito ang epekto ng mahabang panahon ng ating pagpapailalim sa saya ng mga Amerikano pagdating sa ating ugnayang panlabas. Bulag tayo ngayon sa mga malalalim na usapin tungkol sa ugnayan ng mga bansa, hindi lamang sa bahagi nating ito sa mundo kundi sa iba pang bahagi ng daigdig.

Dahil sunod-sunuran tayo sa ipinalalabas na polisiya ng mga Kano ay hindi na tayo kumilos upang suriin ang mga epekto nito sa ating pambansang interes. Pilit kasing isinubo sa atin ng mga Kano, katulong ang kanilang mga papet sa poder, na pareho ang ating mga interes kaya hindi natin ma-imagine ngayon ang isang siste na may malaya tayong ugnayang panlabas.

Dapat magsuri’t mag-aral na mabuti ang administrasyong Duterte bago gumawa ng hakbang na may kaugnayan sa ugnayang panlabas. Hindi dapat salita ng salita ang ating pangulo. Dapat ay matuto siya kung kailan dapat itikom ang kanyang bibig.

***

Ang Biblia ay dapat ginagamit upang palayain ang tao mula sa kasalalan at hindi para palawakin ang mga kaisipan na nagpapalaganap ng kamangmangan, kapinsalaan o prejudice, malisya, at pyudalismo. Ito ang dahilan kaya hindi tayo dapat basta-basta kumukuha ng mga talata mula sa banal na aklat para suportahan ang ating mga pinaniniwalaan.

Halimbawa, hindi dapat ginagamit ang mga talata ng banal na aklat para suportahan ang kultura ng kamatayan sapagkat buhay ang hatid ni HesuKristo. Hindi rin dapat ito ginagamit upang panatilihin ang panlipunang panliliit sa mga kababaihan sapagkat malinaw sa mga halimbawa ni Hesus ang kahalagahan ng babae sa ating ginagalawang lipunan.

Napakahirap talagang kausapin ‘yung mga may konting natutunan sa Biblia subalit akala mo ay kung sinong paham sa banal na aklat. Nag-aral lang nang kaunti pero kung bumigkas ng mga talata ay akala mo kung sinong nagpaka-dalubhasa.

Kaiingat tayo sa mga langaw na nakaluklok sa likuran ni Juan dela Cruz…

***

Dapat patunayan ni Senador Alan Peter Cayetano na mali ang ipinalabas na balita ng isang malaking pahayagan kamakailan na nagsasabing siya ay isang US citizen na walang karapatang maging senador o maitalaga bilang kalihim ng isang tanggapan ng pamahalaan.

Hindi puwede ‘yung basta sasabihin lang niya na hindi siya Amerikano sapagkat puno ng detalye ang istorya laban sa kanya. Dapat ay punto por punto niyang sagutin ang mga lumabas sa balita sapagkat hindi maganda ang implikasyon niyon sa atin bilang mga mamamayan at sa kanya bilang isang batikang politiko.

***

May bagong manok si Freddie Roach. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *