Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, humahataw ang singing career

PATULOY sa paghataw ang career ng talented na singer na si Rayantha Leigh. Ngayon ay sunod-sunod ang shows ni Rayantha. Kabilang dito ang concert ni Gerald Santos na pinamagatang Something New In My Life. Ito’y gaganapin sa SM Skydome sa April 9 at special guest dito si Ms. Regine Velasquez, ang UP Concert Chorus, at iba pa.

Kasali rin si Rayelle (nickname ni Rayantha) sa show na Killing Me Softly sa Historia Bar (along Esguerra St. malapit sa ABS CBN) sa March 21 (Tuesday), 8 pm. Kasama niya rito sina LA Santos, Tori Garcia, Altitude.7 Band, Erika Mae Salas, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, at iba pa. Mayroon din siyang show sa April 22 along Quezon City at sa May 27 sa Pangasinan.

Bata pa lang daw ay nahilig na sa pagkanta ang 13 year old na dalagita, “I really like singing since before. My mom and dad used to always sing on the karaoke during weekends and I joined them. They discovered that I have a talent in singing and they enrolled me in voice lessons when I was 7,” saad ni rayantha na very soon ay magiging isang recording artist na rin.

Sinong singers ang idol mo?  “Yung idol kong singers for local is Ms. Yeng Constantino. It’s because parehas kami ng genre, Pop Rock. I also like her voice. Her voice is not that high, pero maganda pa rin. For International naman, my idol is Ariana Grande. Her voice is sweet. Gusto ko rin po yung songs niya. Ang ganda ng tune. Her voice is really high. Tina-try ko singing her songs, pero di ko maabot kasi mataas. So I just listen to her songs.”

Nabanggit pa ni Rayantha kung ano ang na-feel niya nang naging Teen Ambassador ng Erase, “Masaya po ako dahil alam ko na ito ay makakatulong sa aking career, isang way din ito para sa start na maabot ko ang aking mga dream sa buhay. I’m so happy to be a part ng isang big company.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …