CAGAYAN DE ORO CITY – Tinututukan ng Special Investigation Task Group (SITG) – Perlas, ang anggulong love triangle, bilang isa sa mga dahilan kaya binaril at na-patay ang municipal health officer sa Sapad, Lanao del Norte.
Ito ang pinakahuling resulta nang patuloy na imbestigasyon ng SITG ukol sa kasong pagpatay kay Dr. Dreyfuss Perlas, sa Maranding Annex, Kapatagan, sa nasabing lalawigan.
Inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Director, S/Supt. Atty. Faro Antonio Olaguera, hawak na nila ang ilang vital informations mula sa cellphone ni Perlas, at apat katao ang ang itinuturing nila bilang “persons of interest.”
Sinabi ni Olaguera, batay sa testigong hawak nila, parang kilala ni Perlas ang pumaslang dahil naitanong pa niya kung bakit siya binaril.
Kaugnay nito, naghayag ang mga opis-yal ng nasabing bayan at lalawigan, na magbibigay ng P200,000 reward mo-ney sa mga tao na makapagbibigay nang karagdagang impormasyon para sa ikalulutas ng krimen.