Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Kapit-tuko sa puwesto si Kit

DAPAT lang na magbitiw na si Rep. Kit Belmonte bilang chairman ng House committee on land use kung may natitira pa siyang kahihiyan matapos bumoto kontra sa death penalty bill o House Bill 4727 na isinusulong ng administrasyon.

Ano pa ang hinihintay nitong si Kit, Pasko? Ngayon pa lang, dapat ay nagbibitiw na siya sa kanyang puwesto sa mga komiteng kanyang hinahawakan. Nakahihiyang pinakikinabangan niya ang kanyang posisyon pero salungat siya sa mga priority bills ng house leadership.

Kung talagang may prinsipyo itong si Kit, hindi lang ang committee chairmanship ang kanyang dapat bitiwan kundi dapat na rin siyang kumalas sa super majority ng Kamara.  Liberal Party siya ‘di ba?

Dapat lumipat na kaagad si Kit sa independent minority bloc sa Kamara kung talagang gusto niyang ipakita na hindi niya masikmura ang palakad ng house leadership.  Ang problema, hindi niya ito magawa dahil nakikinabang pa rin siya sa lahat ng biyayang nakukuha bilang bahagi ng super majority.

Ang dapat na inaasikaso ni Kit, ay kanyang mga constituent dahil baka hindi niya alam talamak pa rin ang droga sa lugar na kanyang nasasakupan bilang kongresista ng 6th district ng Quezon City.

Kung hindi alam ni Kit ay iisa-isahin ko sa kanya ang mga barangay na hanggang ngayon ay patuloy ang bentahan ng droga. Simulan natin sa Baesa, Balon-bato, Culiat, Apolonio Samson, Pasong Tamo, Sangandaan, Sauyo, Talipapa, Tandang Sora hanggang sa Unang Sigaw, talamak ang droga sa mga lugar na ‘yan.

Kung tutuusin, masipag lang si Kit sa pagka-kabit ng kanyang mga tarpaulin ng pagbati kung may okasyon sa kanyang nasasakupan, pawang pagmumukha niya ang makikitang nakasabit sa mga poste, kawad ng koryente at pader sa QC.

At tumigil-tigil na sana si Kit sa kanyang porma at asta na tila isang bastonero kapag nagkakaroon ng mga committee hearing sa House.  Gusto yatang palabasin nitong si Kit na antigo na siyang kongresista. Boy, marami ka pang kakainin!

Kaya nga, hindi nangangahulugan ang bo-tong “no” ni Kit ay sentimyento ng kanyang mga constituent sa ika-anim na distrito ng QC.  Maraming maliliit na mamamayan ang patuloy na binubulabog at ginugulo ng mga adik at pusher sa kani-kanilang mga lugar o tahanan.

Itigil na ni Kit ang kanyang propaganda sa Kamara, at mabuting gawin niya ay ‘bumaba’ sa lugar na kanyang nasasakupan para makita niya kung paano nagpapatuloy ang kalakalan ng droga sa kanyang distritong nasasakupan.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *