Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lascañas hinamon maglabas ng ebidensiya (Sa DDS operations)

TINATANONG ni Senator Panfilo Lacson, sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, si self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman, retired SPO3 Arturo Lascañas, kaugnay sa mga bago niyang rebelasyon hinggil sa operasyon umano nila noon. (JERRY SABINO)
TINATANONG ni Senator Panfilo Lacson, sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, si self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman, retired SPO3 Arturo Lascañas, kaugnay sa mga bago niyang rebelasyon hinggil sa operasyon umano nila noon. (JERRY SABINO)

HINAMON nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senadora Grace Poe si confessed Davao Death Squad (DDS) chief, at dating SPO3 Arturo Lascañas, na magpresinta ng mga ebidensiya at testigong magpapatunay ng kanyang panibagong rebelasyon, makaraan pasinungalingan ang lahat nang nauna niyang mga pahayag.

Magugunitang noong 3 Oktubre 2016, unang humarap si Lascañas sa pagdinig ng Senado, ukol sa isyu ng extra judicial killings (EJK), at kanyang pinabulaanan na mayroong DDS, at inutusan sila ni Pangulo at noo’y Davao Mayor Dutete na pumatay ng ilang indibidwal, lalo ang mga sangkot sa ilegal na droga at gawain.

Ayon kina Lacson at Poe, hindi maaaring basta na lamang nag-aakusa si Lascañas sa Pangulo o kaninoman, nang walang ano mang kalakip na ebidensiyang ipakikita, at walang sino mang testigong nagpapatunay sa kanyang testimonya.

Sa kanyang pagharap, mariing pinabulaanan ni Lascañas na may nag-utos at nagbayad sa kanya para siraan si Pangulong Duterte, at bawiin ang nauna niyang testimonya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …