MALAPIT na raw maaprubahan ang death penalty sa Kamara.
Sa katunayan nasa final approval na ang pagbuhay sa parusang kamatayan kontra heinous crime pero tinanggal ang plunder at iba pang krimen na puwedeng gawin ng isang politiko o ng mga nakaupo sa puwesto.
Tiniyak ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa darating na a-7 Marso isasagawa ang botohan sa third at final reading ng kontrobersiyal na panukala.
Klaro na ang panukala ay nilimitahan na lamang sa mga drug-related cases.
Wattafak!
Para kanino pa ang death penalty?! Para ulit sa mga pobreng kriminal?
Kung isinusulong ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang giyera laban sa ilegal na droga at korupsiyon, bakit tinanggal ang plunder?!

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com