NABIGO ang mag-asawang Lipa Mayor Meynard Sabili at Bernadette Palomares na ibasura ng Ombudsman ang kasong violations of anti-graft and corrupt practices laban sa kanila dahil hindi nila napatunayan na walang probable cause ang reklamo sa kanila
Noong Agosto 2016, naghain ng graft charges ang Ombudsman laban sa mag-asawang Sabili dahil sa isang kontrata sa isang radio station na pag-aari ng babaeng Sabili (dating Palomares).
Naniniwala ang Ombudsman na mayroong pinansiyal na interes ang mag-asawa sa nasabing kontrata dahil ang BPS Broadcasting & Media Services na pag-aari ni Palomares ay nakakuha ng P360,000 one-year radio program sa Lipa City government na ang pinunong ehekutibo ay si Mayor Sabili.
Ang nasabing kontrata umano ay para mai-ere ang public service program, “May Maaasahang Serbisyo” na nagsimula noong Enero 2012.

Itinanggi ng mag-asawa na noong maaprubahan ang kontrata ay hindi pa umano sila sakal ‘este kasal, pero ayon sa reklamo ay nagsasama na bilang mag-asawa ang dalawa.
Kaya marami ang nagtatanong ngayon, ma-swak na kaya sa Sandiganbayan ang mag-asawang Sabili?!
Sakaling ma-swak man sila, wala naman sigurong dapat ipag-aalala si Mayor.
Lalo’t balitang nanalo ng multi-milyong pisong jackpot sa slot machine si Yorme?
Pero sabi nga ng matatanda, kapag may saya, may lungkot.
Sa ngayon, mas makabubuting harapin ni Mayor Sabili at ng kanyang misis ang nasabing asunto para naman maipagtanggol na nila ang kanilang sarili…
Ganyan talaga ang life, Yorme…
Minsan jackpot, minsan silat.
P1.5-B RUNWAY ICONIC
BRIDGE SA NAIA TERMINAL 3
MAPAPAKINABANGAN
BA TALAGA?!
![]()
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com