Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ano ang naitutulong ng MECO officials sa pag-unlad ng ating bansa?

ANO ba talaga ang papel ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa relasyon ng Taiwan at bansang Filipinas?

Ang MECO ay sinasabing unofficial embassy ng mga Filipino sa Taiwan. Mayroon kasing One China Policy ang China kaya iisa lang dapat ang opisyal na Philippine Embassy.

At ‘yung nag-iisang Philippine Embassy, doon lamang dadaloy ang opisyal na komunikasyon ng dalawang bansa.

Ang MECO ay itinatag noong 1975 para tumutok sa promosyon ng trade, investments, tourism, labor, scientific and cultural cooperation ng ating bansa sa Taiwan.

Sila rin dapat ang nagbibigay ng assistance sa mga Filipino na nasa Taiwan para sa visa, legal at consular services.

Ang MECO ay nasa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pero hindi raw ganoon ang nangyayari ngayon. Ang bagong talagang Chairman na si Angelito “Lito” Banayo ay nagdedesisyon nang ayon sa kanyang kagustuhan sa katuwiran na siya ay nakadirekta sa Office of the President.

Walastik?!

081816 MECO

Kaya nga, pag-upong pag-upo niya sa MECO, siyempre nag-reorganize siya at nagtanggal at naglagay ng tuta ‘este tao na sa tingin niya ay nasa kanya ang loyalty.

Kahit nga raw ‘yung mga nasa plantilla position ay kanyang pinalitan.

At mukhang doon nagkaproblema si Chairman Banayo.

Nitong mga nakaraang buwan, nakaranas ng unfair labor practices (ULP) ang empleyado ng MECO na ngayon nga ay pinamumunuan ni Banayo.

At sila ay naghahanda ng reklamo na kanilang ihahain sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

Kinukuwestiyon din nila ang isang ‘bagman’ este trusted man na iniupo ni Banayo na si Atty. Gilberto Lauwangco.

Kagaya ni Banayo, na ngayon ay tumitiba ng US$20,000 kada buwang suweldo bukod pa sa ibang perks and privileges, si Lauwangco ay nahaharap din sa kasong graft at rice smuggling, noong sila ay nasa National Food Administration (NFA) pa.

Kaya siguro, mas pinili ni Banayo na mailagay siya sa MECO ay para makaligtaan ng sambayanan ang asunto laban sa kanila.

Pero hindi pa rin nasiyahan sa kanyang puwesto, kaya inagrabyado pa raw ang mga dating empleyado sa MECO!?

Sa pagkakataong ito, kung nagagawa man i-delay ni Banayo ang mga kinakaharap na asuntong graft at rice smuggling ‘e baka sa kasong isasampa ng mga naagrabyadong empleyado ng MECO ‘e madale siya.

Ayaw na ayaw ni Tatay Digs na inaagrabyado ang maliliit na tao.

Mas madalas talaga na ‘yung mga nagsabing tumulong sila sa isang politiko na makamit ang isang posisyon at nabibiyayaan ng puwesto, sila pa ang mas abusado?!

Tsk tsk tsk…

NAKABIBILIB
ANG KAUNLARAN
NG TAIWAN

021017 Taiwan

After more than 25 years, nakabalik din ang inyong lingkod sa Taiwan.

Dekada 80 pa nang huli tayong magawi sa Taiwan, ginagawa pa lang noon ang kanilang railway transit.

Sa ating pagbabalik, ang laki ng ipinagbago ng Taiwan. Ibang-iba na kaysa rati.

Moderno ang kanilang railway system, maluluwag ang kalsada, maliwanag ang ilaw sa gabi at makikita ang iba’t ibang tour group mula sa iba’t ibang bansa.

Noong Dekada 80, napakaliit ng halaga ng pera ng Taiwan (NT$). Ang mga overseas Filipino workers (OFWs) natin noon, sumasahod nang halos P60,000 isang buwan. Kaya nga marami tayong mga kababayan ang nawiling magpuntahan sa Taiwan.

Pero ngayon halos P20,000 na lang ang sinasahod ng OFWs.

Noon marami tayong nakikita sa Airport natin na Taiwanese tour group na nagpupunta sa Filipinas. Grupo-grupong Taiwanese tourists.

Pero ngayon, hindi na natin nakikita ang mga tourist group na ito. At doon na pala nagpupunta sa Taiwan ang mga kalapit bansa natin.

Mga grupo ng turistang Japanese, Koreans, Chinese mula sa mainland, Chinese na Hong Kong residents, mga American at kahit Europeans doon sila sa Taiwan nagpupunta para i-enjoy ang napakagandang pag-unlad ng bansa na kung tawagin noon ay lalawigan ng mga Kuomintang.

Hindi lang infrastructures ang hinangaan natin sa Taiwan, maging ang kanilang agricultural products, livestock at seafood ay kahanga-hanga.

Naalala pa natin noon na ini-export ang Bangus fingerlings sa Taiwan. Pero ngayon nakabibilib ang agri products nila mula sa gulay, prutas, isda at livestock.

Kitang-kita na naisisilbi nang sariwa.

Tuwang-tuwa ako sa nakita ko sa Taiwan pero nalungkot rin ako dahil iniwan na nito nang husto ang Filipinas. Kahit man lang sana sa Taiwan ‘e makasabay tayo sa kanilang pag-unlad.

Wala talaga sa laki o sa liit ng isang bansa o probinsiya ang pag-unlad…

Ito ay nasa pagkakaisa, disiplina at determinasyon ng mga lider at mamamayan ng isang bansa.

Kailan kaya mangyayari ito sa Filipinas?!

Wishful thinking and keeping my fingers crossed.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *