Saturday , November 16 2024
ltfrb traffic

LTFRB nakahanda sa tigil-pasada

NAKAHANDA ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa transport strike ngayong araw, Lunes, sa kalakhang Maynila.

Ayon sa LTFRB, 5,000 personnel mula sa iba’t ibat ahensiya, ang naka-deploy para tiyakin na hindi maabala ang commuters, at hindi ma-stranded.

Magde-deploy ng mga pribadong bus, government vehicles, at maging mga motorsiklo para pagsilbihan ang commuters.

Pahayag ng LTFRB, humingi sila ng tulong sa PNP, magde-deploy rin nang sapat na mga tauhan.

Magsasagawa ng transport strike ngayong araw ang transport groups, pangungunahan ng PISTON at Stop and Go bilang protesta sa hakbang ng pamahalaan, na i-phase out ang jeepneys at papalitan ng environment-friendly vehicles.

5 TRANSPORT GROUPS
‘DI LALAHOK
SA TIGIL-PASADA

INIHAYAG ng samahan ng pampublikong transportasyon, hindi sila lalahok sa isasagawang tigil-pasada, ng grupo ng Stop and Go Coalition ngayong Lunes.

Ayon kay Ka Lando Marquez, Pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas, hindi sasali ang kanilang grupo sa sinasabing malawakang tigil-pasada.

Nais umano ng kanilang grupo, idaan sa usapan ang kanilang posisyon kaugnay sa dagdag pasahe, pagtanggal sa kalye ng mga lumang jeep, at ang pagpapataas sa kakayahang pinansiyal ng mga operator. Kabilang sa hindi maki-kiisa sa tigil-pasada ang grupong Alliance of Transport Operators and Driver Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transportation Organization (ACTO), National Capital Region Bus Operators Association, at Provincial Bus Operators Association.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *