DAVAO CITY – Patay ang isang prison guard, at apat ang sugatan, kabilang ang isang pulis, makaraan ang barilan sa loob ng pampasaherong bus, sa Prk. 8, Brgy. Alejal, Carmen, Davao del Norte, kamakalawa.
Kinilala ang namatay na si Kabungsuan Makilala, 59, prison guard III, nakadestino sa Davao Penal Colony (DAPECOL), Tanglaw, B.E. Dujali, Davao del Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa isang pampasaherong bus ang biktima, pauwi ng Davao City galing ng DAPECOL, nang biglang may isang hindi nakilalang lalaki ang nag-utos na ihinto ang bus, at biglang binaril sa ulo si Makilala, na kanyang ikinamatay agad.
Agarang nagresponde si PO3 Pablo F. Paulo, nang marinig ang isang putok ng baril, habang nasa kanyang bahay, 15 metro lamang ang layo mula sa lugar na pinangyarihan.
Ngunit pinagbabaril siya ng mga suspek, na sakay ng motorsiklo kaya’t tinamaan sa kanyang kaliwang binti.
Tatlo pang pasahero ng bus ang tinamaan ng bala’ at ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Rivera Medical Hospital, sa Panabo City.
Patuloy ang hot-pursuit operation ng mga tauhan ng Carmen Police Station laban sa nakatakas na mga suspek.
Si Makilala ang sinasabing nagsiwalat sa mga ilegal na kalakaran sa loob ng New Bilibid Prison noong 2012.
Hamon sa DoJ
BILIBID SCAM
WHISTLEBLOWER
SLAY BUSISIIN
HINAMON ng whistleblower na si Sandra Cam, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, tutukan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang prison guard, na nagsiwalat sa mga ilegal na kalakaran sa loob ng New Bilibid Prison noong 2012.
Nitong Sabado ng umaga, binaril hanggang mapatay ng dalawang hindi nakikilalang suspek, ang prison guard na si Kabungsuan Makilala, sa loob ng isang bus sa Carmen, Davao del Norte.
Giit ni Cam, kombinsido si-yang walang ibang motibo sa pagpaslang kay Makilala, kundi ang pagbubunyag sa ano-malya sa allowance ng mga preso sa NBP.
Panahon aniya ni Senator Leila De Lima, bilang justice secretary, nang ipasok si Ma-kilala sa Witness Protection Program, ngunit kalaunan ay inalis sa programa at inilipat sa Davao Prison and Penal Farm.
Naniniwala si Cam, lumala ang banta sa buhay ni Makilala dahil sa pagkakadestino sa Davao.
Aniya, dapat himayin ni Aguirre at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ni Makilala dahil masamang senyales ito sa kawalan ng proteksiyon sa mga whistleblower.