Tuesday , December 24 2024

2 detachment inatake ng BIFF, residente lumikas (Sa North Cotabato)

ALEOSAN, North Cotabato – Sinalakay ng armadong grupo ang dalawang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa lalawigan ng Cotabato kahapon.

Ayon kay 34th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Colonel Angelo Lodenar, magkasabay na ina-take ng tinatayang 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawang detachment ng CAFGU sa ilalim ng 38th IB sa Brgy. Pagangan, bayan ng Aleosan, at Brgy. Nalapaan, Pikit, North Cotabato.

Agad itong natunugan ng mga CAFGU at sundalo kaya gumanti ng putok sa mga rebelde, humantong sa dalawang oras na bakbakan.

Umatras ang BIFF, sa pa-mumuno ni Komander Marines, nang pasabugan sila ng mga sundalo gamit ang 105 mm Howitzers Cannon.

Walang nasugatan sa mga CAFGU at tropa ng 38th IB, habang hindi pa matiyak sa mga rebelde.

Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang pagsalakay ng mga rebelde kaya ilang pamilya ang lumikas sa takot na maipit sa gulo ngunit agad bumalik nang matapos ang putukan.

Nagpapatuloy ang clearing operation ng militar, CAFGU at pulisya sa bayan ng Aleosan, at Pikit pagkatapos ng pag-atake ng BIFF.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *