Tuesday , December 24 2024

Wow mali sa Miss U, Harvey ‘di na uulit

013017_FRONT
TINIYAK ni Miss Universe Organization (MUO) President Paula Shugart, hindi na mauulit ang mix-up controversy noong 2015, na mali ang naianunsiyong panalo.

Magugunitang na-wow mali ang American host/comedian na si Steve Harvey nang unang maianunsiyo na ang Miss Colombia ang bagong Miss Universe 2015, gayong si Pia Wurtzbach pala ng Filipinas.

Ayon kay Shugart, magiging mabagal lamang ang pag-anunsiyo sa kokoronahang Miss Universe 2016 ngayong araw.

“I have a feeling it’s going to be the slowest read ever. I guarantee, (the mistake) is something that no one will repeat,” ayon sa MUO president.

Para kay Shugart, hanga siya kay Harvey sa kabila ng kontrobersiya lalo’t hindi madali ang pag-amin ng pagkakamali sa live television ngunit naipairal pa rin ang “sense of humor” ng veteran host.

“He (Steve) had to really pick himself up and go out there and do that. And the fact that he did it and did it graciously, it says a lot about him. The fact that he’s so excited to come here to the Philippines, I think in some way, this is going to be closure for him.”

Si Harvey ang host sa sariling radio program niyang “Steve Harvey Morning Show” gayondin ang ilang popular American TV shows gaya ng Family Feud, at Celebrity Family Feud, The Steve Harvey Show, Little Big Shots, at bagong competition reality program na Funderdome.

SEGURIDADSA PALIGID
NG MOA HINIGPITAN

NAKALATAG na ang Last-minute security preparations para sa Miss Universe coronation sa Mall of Asia Arena.

Ang mga pulis ay umiikot na sa erya upang matiyak ang seguridad ng venue ng paligsahan. Daraan sa tatlong security checks ang mga bisita.

Nagsimula nang bumagal ang daloy ng mga sasakyan sa paligid ng MOA ngunit naka-deploy na ang mga pulis para mangasiwa sa trapiko.

Aabot sa 1,858 uniformed police, gayondin tinatayang 200 miyembro ng Armed Forces, at 150 miyembro ng Philippine Coast Guard ang itinalaga para mangasiwa sa seguridad, pahayag ni Police Director Oscar Albayalde, regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay Albayalde, magkakaroon ng pagbabago sa security measures kapag nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na manood ng coronation night.

Gayonman, wala pang kompirmasyon ang Palasyo kaugnay nito.

‘NO SAIL ZONE’
SA MAYNILA
BAY – PCG

IDINEKLARA ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatupad ng “No sail zone” sa Manila Bay partikular sa bisinidad ng Mall of Asia Arena.

Ito ay kaugnay sa coronation night ng Miss Universe Pageant.

Nasa 150 tauhan mula sa Phil. Coast Guard, Phil. Navy at Maritime Group ang itinalaga sa Manila Bay para sa coronation night.

Sinabi ng Coast Guard, 18 water crafts ang ide-deploy ng Coast Guard na magpapatrolya sa karagatan malapit sa MOA Arena.

Ayon kay Phil. Coast Guard spokesperson, Commander Armand Balilo, sarado na ang Baywalk.

Inilinaw niyang papayagan ang mga mangingisda na pumalaot ngunit sa kabilang bahagi ng Manila Bay at malayo sa MOA Arena.

Tiniyak ni National Capital Region Police Office chief, Director Oscar Albayalde, kasado na ang seguridad para sa coronation night.

IMBITASYON SA MISS U
TINANGGIHAN NI ROBREDO

KINOMPIRMA ni Tourism Secretary Wanda Teo, tinanggihan ni Vice President Leni Robredo ang imbitasyon para sa Miss Universe coronation.

Ayon sa kalihim, binigyan nila ng imbitasyon ang pangalawang pangulo kamakalawa ngunit tinanggihan ito.

Una rito, sinabi ni VP Robredo, hindi siya manonood ng Miss Universe dahil hindi siya imbitado.

Paliwanag ni Teo, delayed lang ang pagbibigay ng ticket sa pangalawang pangulo dahil nais nilang bigyan ng VIP ticket na P50,000 ang halaga.

Iginiit ni Teo, si VP Robredo ay kabilang sa kanyang unang official list ng mga iimbitahan para sa Miss Universe coronation.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *