Monday , December 23 2024

Digong saludo kina Evasco at Taguiwalo (Malinis na ‘leftists’)

SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagiging dalisay ng hangarin ng dalawang miyembro ng kanyang gabinete na dating political detainees  na pinanday ang sarili sa pagsisilbi sa bayan nang walang hinihintay na probetso.

Sinabi ng Pangulo kamakalawa sa Tacloban City, ipinagkatiwala niya ang isang bilyong piso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo para ibigay sa mahihirap na walang pambili ng gamot dahil may tiwala siya sa kalihim na isang leftist at dating political detainee gaya ni Secretary to the Cabinet Leoncio ‘Jun” Evasco.

Aniya, subok na ang taos-pusong paglilingkod sa bayan nina Taguiwalo at Evasco, walang personal na agenda at hindi nagpapayaman sa puwesto, sa katunayan ay tiniis na mabilanggo para sa ipinaglalabang ideolohiya.

“Magbalik ang mga tao diyan,  just I was talking to Judy. I released one billion noong Pasko. Sabi ko kay ma’am, Ma’am ma-distribute man sa probinsiya kaagad. Kasi ibinigay sa akin ng PAGCOR iyong tseke, kinunan ko agad ng ano… Sabi ko distribute.

Ibigay ninyo sa mga tao na may hawak-hawak na reseta ngayon, na hindi mabili. Kung makabili ng medisina, you can always go to your office. Wala akong problema kay Judy. Judy is a leftist, just like Evasco and if you put their heart to it, they would do it, walang agenda kasi ang left e. Wala naman itong magyaman. Sanay sa preso e. Totoo. Ito iyong mga idealist. So sabi ko sige, wala na ang may ceasefire,  (unclear), magtrabaho ka muna rito sa akin,” ani Duterte.

Sampung taon naging political detainee si Taguiwalo noong panahon ng martial law at nakaranas nang matinding torture sa kamay ng militar.

Habang si Evasco ay dating pari na sumapi sa New People’s Army (NPA) noong 1974, nadakip noong 1983 at kasama sa mga pinalayang detenidong politikal matapos ang 1986 EDSA People Power 1 Revolution.

Inihayag ng Pangulo, ang hamon niya kina Taguiwalo at Evasco ay ipakita nila na karapat-dapat silang maluklok sa pamahalaan at kapag hindi nila kayang gampanan ang tungkulin sa gobyerno ay sama-sama silang magbibitiw.

“Then you work hands, we show to the people of the Republic of the Philippines na karapat-dapat tayo dito sa gobyerno kasi kung p***ina hindi natin kaya aalis tayo, simple as that. Lahat kayo hinamon ko. Sabayan ko kayo, mag-resign tayo and let’s give it to another guy na kaya niya,” anang Pangulo.

Kaugnay nito, naniniwala ang Palasyo na walang dahilan ang Amerika na tanggihan ang ihihirit ni Pangulong Duterte na tanggalin sa kanilang terror list si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison dahil bahagi ito sa umuusad na negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at komunistang grupo.

“The request for the delisting of Chairman Jose Maria Sison is aligned with the President’s wish to hold peace talks with the leadership of the Communist Party of the Philippines. The government maintains its position that there is no reason for the US to deny this request bearing in mind that Mr. Sison is part of the negotiating panel,” ani Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sa pagtatapos ng third round ng peace talks sa Rome, Italy kamakalawa ay nagkasundo ang GRP at NDFP panels na irekomenda kay Pangulong Duterte na hilingin sa US na maalis sa terror list si Sison.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *