Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tuloy ang kampanya laban sa droga

HINDI dahil marami ang nagugutom, dapat ay iwanan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Kailangang magtuloy-tuloy ang kampanya laban sa droga kasabay nang paglutas ng suliranin sa usapin ng kagutuman sa bansa.

Ikinakatuwiran ng mga bumabatikos kay Digong ang ulat ng Social Weather Station (SWS) na umaabot na sa 3.1 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan ng 2016. Mas mataas daw ito kung ikukumpara sa ginawang survey noong third quarter nang na-sabi ring taon na nasa 2.4 milyon lang.

Sa Metro Manila, lumalabas sa survey ng SWS na umabot sa 399,000 pamilya ang nagsa-bing nagutom sila, mas mataas ito kung ikukum-para sa 225,000 bilang ng pamilya noong buwan ng Setyembre.

Ang nasabing pinakahuling survey na isinagawa ng SWS ay noong 3-6 Disyembre 2016.

Magkaganito man, hindi nangangahulugan o hindi maikakatuwiran na dahil tumaas ang bilang ng mga nagugutom ay dapat nang iwanan ang kampanya laban sa droga, at pagtuunan na lamang ng pansin ng administrasyon ni Digong ang pagbibigay ng trabaho sa taong bayan.

Hindi ito wastong pangangatuwiran.  Dapat isaalang-alang ang paglaganap ng krimen dahil sa droga ay maaaring magdulot ng takot sa mga negosyante at hindi maglagak ng kanilang puhunan sa lugar na malaganap ang krimen.

Malaking salik ang peace and order para sa mga negosyante kung tuluyan silang magtatayo ng kanilang negosyo sa isang pamayanan. Nagsisimula ang isang maunlad na negosyo batay na rin sa sitwasyon ng isang lugar kung matahimik ba ito o magulo dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi solusyon ang panawagang iwanan ang kampanya sa droga at pagtuunan na lamang ng pansin ni Digong ang pagbibigay ng trabaho sa mamamayan. Ang kampanya laban sa droga at pagbibigay ng trabaho ay magkasabay na dapat pagtuunang ng pansin para masi-guro ang pag-unlad ng negosyo at pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya sa lugar n kanilang pinaghahanapbuhayan.

Nakapagdududa ang posisyong itigil ni Digong ang kampanya laban sa droga. Mukhang propaganda na naman ito ng mga dilawan at makakaliwang grupo na walang ginawa kundi ang batikusin na lamang ang mga programa ni Digong.

Hindi kaya ang mga natanong sa survey ng SWS ay pawang mga adik ng shabu? Tumaas ang bilang ng mga nagugutom lalo sa Metro Manila dahil ang mga adik ay hindi naman talagang kumakain na!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *