Not a good new year for BI employees
Jerry Yap
January 21, 2017
Bulabugin
BUMULAGA sa taong 2017 sa Bureau of Immigration (BI) rank & file employees ang nakapanlulumong balita tungkol sa hindi inaasahang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang provisions ng P3.35 trillion budget para General Appropriations Act para sa taong 2017.
Ayon sa nasabing provision, ang mga kinikita at budget ng mga ahensiyang tinamaan ay papasok sa General Fund ng gobyerno para ipandagdag sa budget ng taon.
Kasama nga sa mga ahensiyang tinamaan ang Bureau of Immigration (BI) na ang kinikita sa kanilang Express Lane Fund ay inilalaan para sa overtime pay para sa mga empleyado.
Kasama na rin diyan ang ipinasusuweldo sa hired contractual confidential agents at job orders.
Halos mawindang at manlumo ang lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Ilang dekada at administrasyon ang dumaan pero hindi kailanman napakialamanan ng pamahalaan ang tungkol sa express lane fund ng ahensiya.
Maliwanag din na hindi napaghandaan ng “bright boys” sa Bureau ang nakapanlulumong development na ito.
Noon pa man ay sinasabing darating ang panahon na sisilipin ng sino mang uupo sa puwesto ang koleksiyon ng “express lane” ng BI.
Pero ilang ulit na naisalba ang tangkang turn-over sa gobyerno sa tulong na rin ng ilang kongresista at politiko na nagmamalasakit sa kagawaran.
Noong nakaraang administrasyon ay unti-unting trinabaho ng mga tao ni PNoy ang pagkuha sa nasabing kita, at dito na nga sa panahon ni Digong nag-materialize ang lahat!
Thanks but no thanks specially to Sen. Frank Drilon na isa sa umepal nang husto na kontrahin ang OT pay from the express lane fund.
So paano na ngayon ang magiging kapalaran ng mahigit dalawang libong kawani na umaasa sa nasabing express lane fund?
Haayyy…kay saklap na change is coming sa BI.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap