Saturday , November 23 2024

Pangalan ng politico huwag nang ipangalan sa gov’t estbalishments

MAYROON daw petisyon na humihiling na ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport (MIA) ang pangalan ng pangunahing paliparan sa bansa na ngayon ay kilalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay inihayag ng aktres na si Vivian Velez sa kanyang social media account at sila umano ang nagpasimuno sa petisyong ito.

Inumpisahan umano ito ng isang Atty. Lorenzo G. Gadon at ng mga miyembro ng #BringBackMia group.

Kung matatandaan, pinalitan ang pangalan ng MIA noong 1987, panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Ito umano ay bilang paggunita sa pagpaslang sa kanyang esposong si Benigno S. Aquino Jr., sa tarmac.

Itinuturing din noon na si Ninoy ay mukha ng demokrasya laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

By the way, alam ba ninyo mga suki na kapag pinapalitan ang pangalan ng isang national road o isang national building or establishment ay kailangan itong pagpasyahan ng Kongreso?!

Ang gastos po sa ganitong proseso ay maaaring kasing presyo rin kapag nagpapasa ng isang batas ang mga mambabatas.

Hindi lang po daang libo ang pinag-uusapan dito kundi milyon-milyon.

At ang ginastos po riyan ay mula sa taxpayer’s money.

Paano na lang kung tuwing nagbabago ang administrasyon at hindi sila ‘magkalasa’ ng sinundang administrasyon ‘e nanaising baguhin ang pangalan ng isang gov’t establishment  na ipinangalan sa isang politiko?!

‘E ‘di siyempre, gastos nang gastos nang walang kapararakan ang Kongreso.

Mas makabubuti siguro, kung sakaling tatalakayin ng Kongreso ang petisyon na ibalik sa Manila International Airport ang pangalan ng ating mga airport, ‘e dagdagan ng panukala ipagbawal na ang pagpapangalan ng mga pambansang kalsada, pambansang gusali at pambansang establisyemento sa mga politiko.

Nang sa gayon ay matigil na ang pagpapalit-palit at pagpapaiba-iba ng pangalan ng mga kalye, gusali at establisiyemento na ang ginagastos naman ay pera ng bayan.

Bakit hindi bigyan ng pangalan, base sa katangian o kasaysayan ng lugar, kalye, o establisyemento.

Sa ganitong paraan, magkakaroon din ng kamalayan sa kasaysayan ang mga mamamayan lalo ang mga kabataan.

Puwede rin gamitin ang ating sariling wika para sa pagpapangalan gaya sa tanyag na UP Teacher’s Village sa Diliman, Quezon City na ang pangalan ng mga kalye ay mga kabutihan na puwedeng taglayin ng isang tao.

Bakit hindi pangalan ng mga bayani na hindi kayang tumbasan ang ginawang kabayanihan pero hindi kilala ng maraming Filipino?!

Mga manunulat, makata at iba pang alagad ng sining na nagbigay ng karangalan sa bansa?

Sa Sampaloc, Maynila, ang pangalan ng mga kalye riyan ay mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo at at Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal.

Pangalan ng mga siyentipikong Filipino na ni hindi kilala ng ating mga kabataan.

Maraming mga Filipino ang kinilala sa buong mundo, sana kung gagamit ng pangalan ng tao sa pagpapangalan ng kalye, gusali at establisyemento, piliin ang pangalan ng mga Filipino na hindi puwedeng pagdudahan ang kredebilidad at ang nagawa para sa bayan.

Huwag nang pangalan ng mga politiko.

Gayahin sana ng mga mambabatas na Filipino si Fidel Castro ng Cuba, na siya mismo ay nagbawal na gamitin ang kanyang pangalan sa kalsada, gusali o mga establisyemento sa kanilang bansa. Sa inyong palagay, mayroon bang politiko sa ating bansa na kayang gawin ang ginawa ni Fidel Castro?!

‘E ‘yung iba ngang politiko kahit wala namang nagawa o ginagawa, gusto laging nakabalandra ang pangalan nila sa radio, diyaryo at telebisyon.

Ang lalakas nang gumastos ng pera ng bayan, gusto sikat pa at ‘sambahin’ ng mga susunod na henerasyon?

Mahiya kayo, oy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *