Saturday , November 23 2024

Graft convicted LLDA GM Neric Acosta matigas ang ulo o super kapalmuks!? (Pagbuwag sa fish pen ginamit na media mileage)

KAKAIBANG klaseng nilalang din pala si Laguna Lake Development Authority (LLDA) general manager Nerius “Neric” Acosta.

Hindi natin alam kung sadyang matigas ang kanyang ulo o kapalmuks lang talaga siya.

Mismong ang mga mangingisda ay bantad na bantad na sa style ‘papogi’ ni Acosta.

Hindi ba’t iniutos na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gibain na ang mga fish pen na namamayagpag diyan sa 90,000 hectares Laguna de Bay?!

Kaya naman agad gumawa ng kautusan si Environmental and Natural Resources secretary Gina Lopez para kay GM Acosta na agad gibain ang mga fish pen lalo na ‘yung mga kategoryang wide-corporate na umookupa sa communal fishing ground ng maliliit na mangingisda sa Laguna de Bay.

Pero nang gawin ito ng batang Pnoy na si Acosta, tila media projection lang para ipakita kay Pangulong Digong na sumunod siya sa utos.

Sabi nga ng lider ng mga mangingisda na si Danny Ramos, “Tanda namin nang may dumating na media at pumormang babaklasin ng mga tauhan ng LLDA ang isang malawak na fish pen dito sa Binangonan, pero pag-alis ng taga-media, hindi tinuloy baklasin ang fish pen. Katunayan ay nananatili pa rin ang naglalawakang mga fish pen sa amin.”

Ginoyo ang Pangulo, nilinlang ang mga mamamayan at inisahan ang maliliit na mangingisda.

Ang gulang po ninyo, GM Neric Acosta!

Hindi ba ninyo naiisip mag-resign GM Acosta?!

Bakit hindi mo gayahin si dating GM Edgar Manda, may delicadeza?

Kayo po ‘e kakaibang talaga. Kakaiba ang kakapalan ng mukha?!

Hakhakhak!

By the way, ano na ang nangyari sa conviction ninyo sa kasong graft dahil sa hindi tamang paggamit sa pork barrel noong Bukidnon congressman pa kayo noong 2002?!

Napagsilbihan na ba ninyo ang sentensiyang 10-taon kulong?

Kung hindi kami nagkakamali, mga magsasaka naman ang inagrabyado sa P5.5 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) na para sana sa Bukidnon Vegetable Producers Cooperative, na ang kanyang ina, si dating Manolo Fortich mayor Socorro Acosta, ay director at cooperator.

Ang sentensiya naman sa kanyang ina ay 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong.

Bukod sa kulong, iniutos din ng Sandiganbayan ang perpetual disqualification sa mag-ina sa public office.

‘E ano palang ginagawa ninyo riyan sa LLDA, Mr. Acosta?

Wala ba kayong planong magbalot-balot gayong hanggang ngayon ‘e hindi pa rin ninyo sinusunod ang utos ng Pangulong Digong?!

Ano ba ang pumipigil sa iyo para gibain ‘yang mga fish pen na ‘yan?!

Magkano, ‘este ano ba talaga ang dahilan?!

Paki-explain!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *