Monday , December 23 2024

Poverty rate hike epekto ng kalamidad – Palasyo

NANINIWALA ang Malacañang, epekto ng bagyong Karen at Lawin ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa Self-Rated Poverty o nagsasabing sila’y mahihirap.

Magugunitang sa isinagawang survey sa huling bahagi ng 2016, nasa 44 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing mahirap sila, mas mataas ng dalawang porsiyento sa survey noong Setyembre.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mas malakas sa nakasanayan ang mga tumamang bagyo sa bahagi ng Luzon kaya posibleng ito ang nakaapekto sa persepsiyon ng  respondents.

Ayon kay Andanar, ilang ektaryang lupaing pansakahan ang sinalanta ng bagyong Karen sa Ilocos, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at Bicol habang maraming kabahayan at pananim ang sinira ng bagyong Lawin sa Hilagang bahagi ng Luzon.

Kaya puspusan aniya ang ginagawa ng Department of Agriculture (DA) para matulungan ang mga apektadong magsasaka para makabawi sa kanilang kabuhayan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *