PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Agad binawian ng buhay sa insidente si Joselito Regis, alyas Dagul, 25, ng Blk. 39, Lot 6, SalayaSalay St., Dagat-Dagatan, Brgy. 12, habang arestado si Arthur de Vera, 42, at live-in partner niyang si Josephine Gracia, 42, kapwa ng Salmon St. ng nasabing lugar.
Batay sa ulat nina SPO2 Frederick Manansala at PO3 Romel Bautista, dakong 10:30 am nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga pulis sa Salmon St.
Ngunit nakipagpalitan ng putok sa mga pulis si Regis na kanyang ikinamatay habang naaresto ang dalawa pang suspek.
(ROMMEL SALES)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com