HINDI man ini-encourage ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang bunsong anak na si Harvey Bautista, hindi rin napi-gilan ang pagpasok ni Harvey sa showbiz. Introducing sa horror movie na Ilawod si Harvey. Ito ay ukol sa isang elemento ng tubig na guguluhin ang pagsasama ng isang pamilya. Showing na ito sa January 18 at bukod kay Harvey, tampok dito sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Xyriel Ma-nabat, The-rese Malvar, at Jeffrey Qui-zon. Ayon sa 13-year old bagets, nag-audition daw siya para sa naturang role. “Nag-audition po ako, marami po kami at akala ko hindi ako nakuha. Pero ako raw po ang personal choice ni Director Dan Villegas, kasi natural daw po ang acting ko.”
Ano’ng klaseng experience para sa iyo ang paggawa ng isang horror movie?
“Masaya naman po ‘yung shoot namin, mga talented actors and actresses ang kasama ko po rito. Never ko pong nai-magine na ‘yung first movie ko magiging horror, kasi hindi po ako mala-king horror fan.
“My dad says the first acting award he won was also for a horror movie, the first Shake Rattle & Roll in 1984.
“If you love scary movies, you’d enjoy ‘Ilawod’ po kasi maganda talaga siya. Mapo-possess po ako rito ng Ilawod, water elemental, pero hindi yung parang Exorcist possession kundi iko-kontrol lang yung mind ko through a girl, si Isla (Therese). Telepathically, kinokontrol po yung isip ko pero hindi naman po siya yung demonyo. Hindi naman po siya ganoon. Ako lang ang nakakakita kay Isla at yung sister ko, si Bea (Xyriel).”
Sa Ilawod ay hinangaan ng Quantum Film’s producer na si Atty. Joji Alonso at Direk Dan ang screen presence at pagiging natural ng teen actor na si Harvey. Siya ang gumanap dito bilang anak nina Ian at Iza.
Si Harvey ay nagsimula sa gag show na Goin’ Bulilit at nabigyan na agad ng nominas-yon sa 26th PMPC Star Awards for TV sa Best New Male TV Personality noong 2012. Sinundan ito ng nomination na Best Comedy Actor noong 2014 sa 28th PMPC Star Awards for TV at taong 2015 nang manalo si Harvey sa 29th PMPC Star Awards for TV bilang Best Child Performer saWansapanataym.
Ano ang favorite mong movie ng iyong daddy? “Captain Barbell po. Mahilig po kasi ako sa superheroes,” matipid na sagot niya.
Aminado naman si Mayor Herbert na diniscourage niya si Harvey na mag-artista noon. Pero sobrang proud ni Mayor Herbert sa ipinakitang performance ni Harvey sa unang pelikula nito, kaya todo-suporta si Mayor sa anak.
“Yeah, I discouraged him. Pero wala, e, nasa dugo. Ang tatay ko, nanay ko, mga kapatid ko, lahat nasa showbiz. Tapos heto, sila na,” aniya.
Ano ang ibinibigay niyang payo sa anak ukol sa pag-aartista? “Hindi, parang tinatawanan lang nila ako e,” pabirong sagot ni Mayor. “Pero sa palagay ko naman, when we have conversations, basta ang sinasabi ko lang naman sa kanila, maging natural,” seryosong wika pa ni Ma-yor Herbert,
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio