NAGPAPASALAMAT si Junar Labrador sa napanalunang acting award para sa pelikulang Barkong Papel ng Sparkling Stars Production na pinamahalaan at sinulat ni Skylester dela Cruz. Nanalo si Junar mula sa National Consumer Affairs, Dangal ng Bayan Award bilang Best Supporting Actor sa pelikulang nabanggit.
Ano ang na-feel mo nang nanalo ka rito?
Sagot ni Junar, “Siyempre nagulat ako. Kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong chance. Kaya napaka-thankful ko talaga na napansin naman ako kahit paano. Kaya nasabi ko, next project ay mas pagbubutihin ko pa lalo.”
Ano ang role niya sa pelikulang ito? “Bale isang lasenggerong ama ang papel ko sa Barkong Papel na madalas maltratuhin ang asawa at mga anak.”
Inusisa rin namin siya kung paano nagsimula sa showbiz. “Actually ang nag- introduce sa akin sa showbiz is yung brother ko. Ano siya kasi eh, irregular siya before sa sitcom na Goin’ Bananas nina Christopher (de Leon), Bobot (Mortiz)…
“Ang pangalan niya is Ramon Labrador, siguro around 1995 or 1996, in-introduce niya ako sa Actors’ Workshop Foundation kasi medyo mahiyain daw ako. Under iyon kay Direk Leo Martinez at isa sa naging facilitator ko rooon si Ms. Ann Villegas. After that may mga nakilala sa showbiz, kasi may mga naging classmate ako. Pero nag-start talaga ako as extra, habang tumatagal ay nagkakaroon ng dialogue, ng break. Yun, nabibigyan ako ng mga project, guestings, mostly nga sa GMA-7 as doctor, lawyer, mga ganyan.”
Si Junar ay isang arkitekto by profession at passion niya talaga ang acting. Bago ang Barkong Papel at isa pang movie titled Potpot, nakalabas na rin siya sa pelikulang Bathhouse. Huli siyang napanood sa Beautiful Strangers at My Faithful Husband ng GMA-7. Ang last TV and print ad naman niya ay MyRemit.
Incidentally, sa January 14, 2017, 6pm, may special screening ang Barkong Papel sa Bgy. Talon Uno, Alabang-Zapote Rd., Las Pinas City.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio