Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, astig ang acting sa The Greatest Love (Very effective kahit mga mata at balikat lang ang gamit)

SINO kayang ina at sinong anak ang hindi madudurog ang puso sa mga matitinding eksenang napanood sa Wednesday episode ng The Greatest Love? Grabe ang mga eksena at grabe ang galing ng mga artista rito sa pangunguna ng bida ritong si Ms. Sylvia Sanchez.

Talagang aagos ang luha ng bawat televiewers sa mga eksena sa top rating TV series na ito ng Kapamilya Network. Sa gitna ng komprontasyon at panlalait ni Amanda (Dimples Romana) sa kanyang ina, tumambad sa kanila ang tunay na lagay ni Gloria (Sylvia) na mayroon itong Alzheimer’s disease.

Idagdag pa ang mga linya ni Gloria para sa kanyang mga anak na, “Basta tandaan ninyo, kung dumating man yung panahon na mawala kayo sa isip ko, hindi ko kayo maalala… nandito kayo (sa puso ko). Hinding-hindi nakakalimot ang puso, dahil mahal na mahal na mahal ko kayo mga anak…” Sino ang hindi tatamaan at hindi aagos ang luha sa ganitong dialogue?

Anyway, lahat ng mga artista sa eksenang iyon ay pulos magagaling. Pero bukod kay Ms. Sylvia, sa tingin ko ay naging stand-out sina Dimples Romana, Joshua Garcia, at si Matt Evans na kahit nalulungkot at nagagalit ay pasok pa rin at laging in-character sa pagiging bading. Sa totoo lang, sa aming palagay, kung may award na Best Ensemble cast in a Drama Series, panalo na ang tropa ng The Greatest Love!

As usual, nagpakita ng lalim at galing sa pag-arte si Ms. Sylvia rito. Actually, very effective ang atake ng ermat nina Arjo at Ria Atayde sa naturang eksena kahit mga mata at balikat lang mostly ang ginamit niya.

Kaya naalala ko noong last time na nakapanayam namin si Ms. Sylvia bago nagtapos ang taon. Inusisa namin kasi siya kung mas matitinding iyakan ba ang dapat asahan sa The Greatest Love. Ang sagot ng award-winning actress, “Oo, mas matitinding iyakan, kumbaga kung ngayon ay naghahanda lang kayo ng lampin, later-on ay tuwalya na ang kailangan ninyong gamitin.”

After ng matinding episode ng TGL, nag-pm kami kay Ms. Sylvia upang batiin siya sa grabeng husay na ipinamalas niya sa mga eksena sa TGL. Ang matipid na reply niya sa amin: “Yahoooooo! Thank youuuuu Yahooooo”

Sa mga susunod na episodes ng The Greatest Love, sure ako na mas matitinding eksena pa ang matutunghayan ng viewers. Kaya di kataka-takang lalo pang tumaas ang ratings nito. Actually nagtrending pa ang #TGLTheDeepImpact last Wednesday. Congrats sa tropang TGL at sa mga director nitong sina Dado C. Lumibao, Jeffery Jeturian, at Mervyn Brondial.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …