Monday , December 23 2024

Ilang probinsiya todo-handa na sa Miss U event

TATLONG linggo bago ang koronasyon ng 2016 Miss Universe sa Filipinas, puspusan sa paghahanda ang mga probinsiyang kabilang sa official itinerary ng mahigit 90 kandidata.

Tulad sa Boracay, ang first stop ng Miss Universe candidates sa 14 Enero, nataon pang kasabay ng selebrasyon ng Ka-libo Sto. Niño Ati-Atihan Festival, itinuturing na “Mother of All Philippine Festivals.”

Aasahan ang maingay at makulay na Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival ng naggagandahang kandidata bago tumulak papuntang isla ng Boracay.

Handa na ang mga produkto at serbisyo sa isla sa nasabing event dahil ilang beses na itong nag-host ng international events kagaya ng ministerial meetings ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at pre-pageant activities ng Miss Earth 2016.

Dahil dito, inaasahang lalo pang lalakas ang industriya ng turismo sa isla ng Boracay lalo’t tiyak na may mga kasama ring kamag-anak ang mga kandidata.

Samantala, hindi maitago ng mga taga-Ilocos ang excitement sa pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe sa 15 Enero.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita ang 20 sa kandidata ng Miss Universe sa probinsiya ng Ilocos Sur at i-papasyal sila sa iba’t ibang tourist spot kagaya ng Hidden Garden at Baluarte Zoo.

Plantsado na ang lahat ng kakailanganin para sa fashion show sa pinakasikat na kalye sa Vigan City, ang Calle Crisologo.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Ryan Astom, nagkausap na sila sa creative team ng Miss Universe, at si-nabing darating sa siyudad ng Vigan ang mga kandidata sakay ng eroplanong lalapag sa Mindoro (Vigan) Airport mula Metro Manila.

Mauuna ang production team, sa hapon darating ang mga organizer at VIP.

Dito ay irarampa ng Miss U candidates ang 20 iba’t ibang disenyo ng Abel Iloko, 10 rito ay gawa ng mga local fashion designer sa probinsiya habang ang natitirang 10 ay disenyo mula sa mga sikat na fashion designer sa Maynila.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *