Saturday , November 23 2024

Pangulong Digong may mabuting intensiyon pero kapos sa pondo

KAMAKALAWA inamin mismo ng economic team ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi kakayaning ibigay ng administrasyon ang mga ipinangako ng Pangulo na taas ng sahod sa mga pulis, sundalo, at guro.

Ganoon din ang SSS pension hike na P2,000.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, iba ang pangakong-kandidato at iba ang pangako kapag Pangulo na.

Kapag presidente na raw kasi, aktuwal na makikita kung magkano pa ang natitira sa kabang-yaman ng bansa na nauna nang ‘hurutin’ ng sinundang  administrasyon.

Siyempre nga naman, kapag tinaasan ang suweldo ng mga pulis, sundalo at mga guro, kasunod na niyan ang iba pang kawani ng pamahalaan.

Habang ang SSS pension hike naman, responsibilidad ‘yan ng mga opisyal ng SSS na itinalaga ng administrasyon na namamahala riyan.

Bakit ipapasa ng SSS officials sa Pangulo o sa Palasyo ang SSS pension hike ‘e GOCC ‘yan at mayroon silang sariling pinagkukuhaan ng pondo?!

Nalilimutan yata ng mga opisyal na itinalaga sa SSS na kaya ipinagkatiwala sa kanila ‘yan ng Pangulo ‘e para resolbahin nila ang mga dapat resolbahin sa ahensiyang ‘yan.

Klaro na hindi nila dapat ipasa sa Palasyo ang solusyon kung paano nila mahi-hit ang target na makapagbigay ng  P2,000 pension hike.

Sa kabila ng mga umuusbong na suliranin sa layuning tuparin ang pangako ng Pangulo na itaas ang suweldo ng mga pulis, sundalo at guro, mahihinuha natin na seryoso at pursigido si Pangulong Digong na tuparin ang kanyang mga pangako sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng bawat ahensiya ng pamahalaan.

Iisa lang ang dapat gawin ng economic managers ng Duterte administration, pag-isipan nila kung paano tutuparin ang mga pangakong ‘yan.

Huwag kalilimutan, there are 1001 ways to skin a cat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *