Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, nag-celebrate ng unang anniversary sa showbiz!

NAGDIWANG recently ng unang anibersaryo sa showbiz ang telanted at cute na tandem nina Kikay at Mikay. Malaking bagay sa kanila ito, dahil hilig talaga nila ang buhay showbiz. Kaya naman masaya sila sa pagiging active nila sa entertainment world. Ngayon ay kaliwa’t kanan ang invitations nila sa mga Christmas party.

Bukod pa sa pinagkaka-abalahan ng dalawang bagets, kasali rin sila pelikulang Field Trip ni Direk Mike Magat. Abala rin sina Kikay at Mikay sa pagtulong sa pag-promote ng pelikulang Mga Batang Lansangan na pinamahalaan din ni Direk Mike.

Kamakailan din ay naging bahagi sila ng All Star Game show kasama sina Direk Mike Magat, Jay Manalo, Rocco Nacino, Carlo Cepeda, Onyok Velasco, at marami pang iba. Dito ay nagpakita ng talent sa pagkanta at pagsayaw sina Kikay at Mikay.

Kuwento pa sa amin ni mother ni Kikay na si Mommy Diana, “May advance invitation din sina Kikay at Mikay sa concert ng New Discovery Casting na gaganapin sa January 4 or 11 this coming year 2017 sa Zirkoh or Clownz. Under management ito nina Ms. Jane at Sir Miguel.”

Sina Kikay at Mikay ay Viva contract artist na binigyan ng five year contract dito. Si Kikay ay seven years old, samantalang si Mikay ay ten years old naman. Nakakabilib ang dalawang bagets dahil sa magaling sila kapwa sa sayawan, kantahan, at pag-arte and sure ako na malaki ang future ng dalawa sa mundo ng showbiz dahil likas talaga silang biba at ang pagiging talented.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …