Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

5 katao sinuyod ng SUV sa NAIA (Imbes magpreno)

TATLONG pasahero at dalawang well-wishers ang grabeng nasaktan nang suyurin ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Airport Police Department (APD) kahapon, isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang limang biktima matapos suyurin ng Ford Ranger, may plakang AOL-999 na minamaneho ng nagpakilalang doctor na si Agnes Barbosa.

Nabatid sa APD, imbes magpreno si Barbosa, hindi sinasadyang nadiinan ang selinyador na tuloy-tuloy sa mga pedestrian na nag-aabang ng taxi.

Dagdag ng APD, nasa lane ng regular white taxi si Barbosa sa terminal 3 dakong 8:00 pm, kasalukuyang dagsa ang pasahero at well-wishers.

Nilapatan ng first aid sa NAIA medical clinic ang limang nasaktan bago dinala sa Pasay City General Hospital.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ahmad Heba,  bagong dating mula sa Hong Kong; Scott Massey mula sa Cebu; at Edwin Rubei mula sa Cagayan, at ang dalawang  well-wishers na sina Greggy Cunayan at Troy Troani.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng APD si Barbosa at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

Pinag-iingat ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang mga motorista sa pagmamaneho upang hindi maulit ang kagayang insidente.

(GLORIA GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gloria Galuno

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …