MALAKI ang posibilidad na makaranas ng mga pag-ulan sa darating na weekend.
Ito ang sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio dahil sa inaasahang low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Tinatayang makaaapekto ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kung magiging ganap na bagyo, tatawagin ito bilang tropical depression “Nina.”
Habang ang malaking bahagi ng Luzon ay may paminsan-minsang ulan dahil sa epekto ng hanging amihan.