Monday , December 23 2024
gun shot

2 patay, 8 sugatan sa ratrat ng tandem sa Bacolod

BACOLOD CITY – Dalawa ang patay habang walo ang sugatan sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Bacolod City kahapon ng madaling araw.

Pasado 12:00 am nang pagbabarilin sa Brgy. 28 ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang mga empleyado ng isang sikat na kainan sa lungsod.

Agad binawian ng buhay sa insidente si Edwin Despi habang malubhang nasugatan si Ben Nabor.

Namatay rin sa insidente ang isang lalaking hindi pa nakikilala at hindi pa matukoy kung kaangkas din ng mga biktima sa kanilang motorsiklo.

Bukod sa kanila, sugatan din ang dalawang iba pa sa nasabing pamamaril.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas, pinaulanan ng bala ng dalawang lalaking magkaangkas din sa motorsiklo ang lima katao na naglalaro ng cara y cruz sa gilid ng lansangan sa Purok Sigay, Brgy. 2.

Iniimbestigahan ng Bacolod City Police Office kung magkaugnay ang dalawang insidente dahil sa pagkakahawig ng estilo ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *