Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Persida Acosta, malapit sa puso ang mga taga-entertainment media

AMINADO ang chief ng Public Attorneys Office na si Atty. Persida Acosta na malapit siya sa entertainment press. Nagpapasalamat siya sa suporta sa kanya ng media. “Talagang naramdaman ko ang sinseridad at suporta ng mga taga-entertainment press sa aking mga ginagawa rito sa PAO, mula pa noon hanggang ngayon. Kaya talagang mahal ko ang mga taga-entertainment pess,” aniya.

Sa panig naming mga taga-enterainment media ay nakakataba ito ng puso. Naaalala namin na nag-umpisa ito nang nagkaroon siya ng public service show sa TV5 titled Face to Face. Pero kahit nawala na ang show ay malapit pa rin sa entertainment press si Atty. Acosta na ang kanyang turing ay kaibigan.

Ibang klaseng public servant si Atty. Acosta dahil makikita talaga ang kanyang sinseridad at integridad sa pagharap sa kanyang tungkulin. Kaya nga isa kami sa umaasang kakandidato siya noon bilang senador dahil ang mga tulad niya ang kailangan ng bayan. Sayang at di siya nakumbinsi, pero ngayong umuugong ang balita na may tsansa siyang maging isa sa Associate Justice sa Korte Suprema, magandang balita ito para sa lahat ng mga Pinoy.

Alhough ipinahayag ng masipag na PAO chief na ayaw niyang iwan ang PAO, parang mas kailangan nga siya sa Korte Suprema. Kailangan natin ng mga mahistradong may mas makabagong pag-iisip at may damdamin para sa mga mahihirap at naaapi.

Anyway, sinamantala ng entertainment press na makapiling si Atty. Persida dahil kapag ipinatawag na siya sa Supreme Court ay hindi na niya makakatsikahan pa ang press na naging sandalan niya sa oras ng pangangailangang mailathala ang lahat ng nangyayari sa mga kasong hinawakan niya. “Kapag sinuwerteng mapapunta ako sa SC, maraming restrictions na, hindi na puwede ang get-together na tulad nito. Eh, malapit kayo sa puso ko. Pero huwag kayong mag-alala kasi nasa isipan at puso ko pa rin kayo.

“Ipanalangin natin at makakaasa kayo na kapag ako’y napapunta roon, e, pawang katotohanan pa rin at pantay na batas ang isusulong ko at hindi mawawala ang tiwalang ibinigay sa akin ng taumbayan tulad ng ibinigay nila sa akin bilang PAO Chief,” pahayag pa ni Atty. Acosta.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …